Thursday , June 4 2026
Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABIL
ni John Fontanilla

PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  Aquino sa magka-loveteam na sina Rabin Angeles at Angela Muji na bibida sa Philippine Adaptation ng South Korean Movie na A Werewolf Boy na mapapanood sa mga sinehan sa January 14, 2024.

Ayon kay direk Crisanto, “Wala akong naging problema sa shooting namin.

“Walang problema sa set dahil mababait ang mga artista ko. Nakikisama sa lahat.

“At saka ang gagaling nila. Wala akong problema pagdating sa akting nila. Ready sila sa bawat eksena.

“Sina Rabin at Angela game na game sa mahihirap na eksena, walang ka-arte-arte, napakahusay nilang pareho.”

At maging si Candy Pangilinan na kasama sa movie ay umayon kay direk Crisanto na mahusay umarte at mahusay makisama ang dalawang bida at parehong marespetong mga bata.

Makakasama nina Rabin at Angela sa A Werewolf Boy sina  Candy Pangilinan, Yayo Aguila, Albie Casino, Jeffrey Hidalgo, Rose Van Ginkel, Annica Co, Simon Ibarra, Onyl Torres & Ms Lorna Tolentino. Directed by Crisanto B. Aquino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …