DESMAYADO si Filipina fighter Denice “Lycan Queen” Zamboanga nang malasap niya ang unang talo bilang professional sa ONE: EMPOWER sa isang balikatang laban na nagtapos sa split decision loss kay “Arle Chan “ Seo Hee Ham sa quarterfinals ng ONE Women’s Atomweight World Grand Prix nung Biyernes sa Singapore Indoor Stadium.
“For me, I clearly won the fight,” pahayag ng emosyunal na si Zamboanga sa post-event press conference. “It’s hard for me to accept the result of this fight. I’m really disappointed.”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi itinaas ang kamay ni Zamboanga pagkaraan ng laban. Ayon sa mga kritiko na nakapanood ng laban, nanakawan din si Zamboanga ng tsansa para sumulong ang laro sa makasaysayang all-female tournament at maganda sanang tsansa para makalaban sa title shot kontra sa kasalukuyang kampeon na si ONE Women’s Atomweight World Champion “Unstappable” Angela Lee.
Isang perpektong plano ang isinagaw ni Zamboanga laban kay Ham, pinupulot niya ang spots para maging isang striking bout ang laban, unang nagsimula sila sa grappling affair.
“I had control for most of the match. I was able to keep up with her striking and was able to negate her power,” sabi ng 24-year-old.
“I wasn’t bothered by the gash because I knew I was winning. Even though I was bloodied by an accidental headbutt, it didn’t matter to me. I was even able to get a takedown in round three and even then, I knew I was winning.”
Pero ang dalawang hurado ay iba ang nakita sa laban ay ibinigay ang laban kay Ham.