BULABUGIN
ni Jerry Yap
MALUGOD na inianunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang accomplishments sa deployment ng kanilang 99 bagong mga pasaway ‘este’ Immigration Officers (IOs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang mga kasalukuyang IOs ay huling batch na sinanay ng ahensiya na pupuno sa kakulangan ng mga IOs sa tatlong terminals ng NAIA pati na sa ilan pang international ports sa Filipinas.
“Our new IOs have started reporting for duty in the three terminals of the NAIA since last week and they are currently undergoing on-the-job training prior to their full deployment in our immigration counters,” pahayag ni Port Operations Division (POD) chief, Atty. Carlos Capulong.
Sa kanyang report kay Commissioner Jaime Morente, sinabi ng tumatayong hepe ng POD na nakahanda na sa kanilang assignment na rotational shift kada linggo ang mga bagong sinanay na IOs upang maging bihasa sa mga pagsubok na kanilang haharapin bilang ‘border control officers’ ng bansa.
Ang payo ni Morente, pahalagan ang kanilang mga trabaho at magpakita ng propesyonalismo at integridad sa pagganap ng kanilang tungkulin.
“Now more than ever it is imperative for us to prove to our leaders and countrymen that we are dedicated to our mandate of protecting our borders from being infiltrated with unwarranted aliens,” ani Morente.
Muling ipinaalala ni Morente, bukod sa kanilang obligasyon sa bayan na bantayan ang bansa laban sa mga “undesirable aliens,” dapat din tiyakin na ang bawat Filipino ay hindi maging biktima ng malaganap na human trafficking.
Ang mga bagong Immigration Officers (IOs) ay tatlong buwan na nagsanay tungkol sa Immigration laws, rules and procedures, at iba pang kaugnay nito, matapos silang mapili sa ilan libong aplikante para sa Immigration Officer 1 (IO1), isang plantilla position sa ahensiya.
Bukod sa kanilang deployment sa NAIA, inaasahan din na sila ay maitatalaga sa ibang airports na sarado pa at posibleng buksan, depende sa magiging desisyon ng pamahalaan.
“We believe that as more and more Filipinos are vaccinated, this pandemic will soon be a thing of the past and there will be an influx of international travelers into our country. Thus, this early we are already preparing and bracing for this eventuality,” dagdag na pahayag ni POD Chief Capulong.
Ani Morente, inaasahan nila na bago matapos ang taon ay isa pang batch ang maidaragdag sa kalipunan ng Immigration Officers sa kawanihan.
Ibig bang sabihin nito ay naghahanda ang BI sa kahihinatnan ng desisyon ng Office of the Ombudsman at DOJ tungkol sa mga naindulto sa ‘pastillas’!?
Curious lang po.