Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Earth Chapel
Ang Saints Francis and Clare of Assisi ‘earth chapel’ sa Dr. Yanga’s College sa Malolos. (Larawan mula sa UCA News/Dr. Yanga’s Colleges, Inc.)

Kauna-unahang ‘Earth Chapel’ nagbukas sa Bulacan

Kinalap mula sa UCA News ni Tracy Cabrera

MALOLOS, BULACAN — Itinakda para sa mas mataas na kadahilanan ng dakilang pag-ibig sa mga likha ng Diyos, pinasinayanan ng Doctor Yanga’s College sa Bulacan ang pagbubukas ng kauna-unahang ‘earth chapel’ sa bansa na hitik sa iba’t ibang mga halaman at debuho sa sining, kabilang na ang mosaic ng mga Italyanong santo na sina Francis at Clare ng Assisi. 

Sumabay ang pagbubukas ng ‘earth chapel’ sa Malolos sa pagdiriwang ng World Day of Prayer for the Care of Creation na isinulong ng Santo Papa Francis bilang paalala sa mga Katoliko ng kanilang pag-ibig sa kalikasan at kapaligiran at ang mundo—ang “tahanan ng sangkatauhan.”
“Saints Francis and Clare’s earth chapel was blessed this morning by our beloved former parish priest, Father Jovi Sebastian,” inilagay sa Facebook post ng kolehiyo.

Idinagdag nito na ang kapilya ay binuksan sa kabila ng mga pagbabawal dulot ng pandemya para magsilbing lugar ng pananalangin sa “mga pagod na kaluluwa” na umaasang mahanap ang Panginoong Diyos sa ginta ng mga quarantine restriction.

“We hope our students and staff would pay a visit despite their classes being held online. This earth chapel is bountiful fruit from many generous and kind hearts and minds,” wika ng administrasyon ng eskuwelahan habang nagpapasalamat sa mga nagdonasyon para maging possible ang kakaibang kapilya.

“This earth chapel is bountiful fruit from many generous and kind hearts and minds. We thank them for sharing their blessings such as the plants to make this chapel truly one with the environment,” anito.

Sa paglalarawn sa bagong ‘earth chapel’, hinayag ni Father Jovi Sebastian ng Malolos Diocese na simbolo ito matibay na pananampalataya ng Panginoon sa kany ang mga likha.

“This chapel is now a sanctuary of the Lord. He is here with us. Indeed, we dedicate this as our thanksgiving to God, who never abandoned us in these trying times of our lives,” pagtatapos ng pari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …