Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheryl Cruz, Jeric Gonzales
Sheryl Cruz, Jeric Gonzales

Jeric nairita kay Sheryl

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

HINDI ko alam kung ano ang intensyon ni Sheryl Cruz sa walang sawang posting ng kunwari ay may romansang namamgitan sa kanila ni Jeric Gonzales.

Tuloy-tuloy ang posting sa kanyang verified IG ng mga sweet moment eksena nila ng actor sa Magkaagaw na matagal nang tapos. Kung ongoing ang  Magkaagaw  afternoon serye ay ok lang at promo sa nasabing serye.

Matagal nang lumipas ang Magkaagaw ay tuloy pa rin ang posting sa IG ni Sheryl na kung titingnan mo parang may namagitan nga sa kanila. Ilang beses namin biniro si Jeric na tahasan niyang sinabi na wala silang naging relasyon at walang panliligaw na nangyari.

Finally, sa sobrang iritasyon ng aktor ay nagsalita na siya tungkol sa isyu. Sinabi niya sa zoom presscon ng Daig Kayo Ng Lola Ko Capt Bar­bie na walang ligawang naganap at walang kahit anong relasyon maliban sa magkasama sila sa serye.

Wala rin namang mga post si Jeric tungkol dito at puro kay Sheryl nanggagaling. Kaya iniisip ng iba na patay na patay si Sheryl kay Jeric. Akala tuloy ng iba may relasyon ‘yung dalawa. Paano pa makapanliligaw si Jeric kung tila pinalalabas ni Sheryl na may relasyon sila ni Jeric? Hay naku.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …