Saturday , January 28 2023
Gary Estrada Sheryl Cruz
Gary Estrada Sheryl Cruz

Gary at Sheryl, suwertehin kaya sa politika?

MARAMING artista na naman ang tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa darating na national and local election sa susunod na taon.  Muling susubukan ni Gary Estrada ang kanyang kapalaran sa politika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang Vice Mayor ng Cainta, Rizal.

Noong 2016 ay tumakbo siya bilang Vice Governor ng Quezon Province, pero hindi siya pinalad na manalo. Ngayon kayang ang pagka-Vice Mayor naman ang tatakbuhin niya, suwertihin siya?

Si Sheryl Cruz ay gusto na ring pasukin ang daigdig ng politika. Nag-file siya ng Certicate of Candidacy bilang konsehal ng 2nd District ng Manila. Sa unang sabak sa politika ng aktres, suwertehin kaya siya? Matupad kaya ang pangarap niya na maging isang politician?

Ang dating Vice Mayor ng Makati City noong 1998 na si Edu Manzano ay nagsumite na rin ng COC para sa pagka-kongresista ng San Juan City. Noong 2010 ay tumakbo siya bilang Vice President at running mate ni Gilbert Teodoro, pero hindi siya pinalad na manalo.

Tumakbo naman siya bilang senador noong 2016 ay natalo rin siya. This time, sa pagtakbo niya bilang congressman, matalo na naman kaya ulit siya o suwertehin na?

Ang dating misis ni Edu na si Congw. Vilma Santos-Recto ay tatangkain muling makaupo bilang kongresista ng 6th District ng Lipa City, Batangas, para sa kanyang ikalawang termino. Sigurado kami na muling mananalo si Ate Vi. Mahal naman kasi siya ng buong Batangas.

Lahat ng posisyon na tinakbuhan niya rito ay nanalo siya, ‘di ba?

(ROMMEL PLACENTE)

About Rommel Placente

Check Also

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

aldub alden richards Maine Mendoza

Alden itinangging ikinasal at may anak kay Maine

RATED Rni Rommel Gonzales SA wakas ay nagsalita na at tinapos na ni Alden Richards ang walang …

Vin Abrenica Sophie Albert

Vin Abrenica at Sophie Albert ikinasal na

MATABILni John Fontanilla NAG-ISANDIBDIB na noong Miyerkoles sina Vin Abrenica at Sophie Albert makaraan ang ilang taong pagsasama. Hindi …

Cassy Legaspi Darren Espanto

Cassy aminadong boyfriend material si Darren

MA at PAni Rommel Placente MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang …

Jeremy Luis Marikit

Ex-Starstruck Jeremy Luis muntik mag-quit sa showbiz

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na muling mag-focus sa kanyang showbiz career ang guwapong dating Starstruck Batch 7 …

Leave a Reply