Sunday , November 17 2024
Boxing Gloves
Boxing Gloves

7 Pinoy nakatakdang lumaban bago magwakas ang 2021

LOS ANGELES, CALIFORNIA — Habang wala pang katiyakan  ang kinabukasan para kay fighting senator Manny Pacquiao—kung lalaban pa ito o magreretiro na o tatakbo sa nalalapit na halalan sa susunod na taon—ilang mga mandirigmang Pinoy ang handang sumampa sa ring para makipagsapalaran sa kanilang career sa boxing bago magtapos ang taong 2021.

Nar’yan  ang parehong world champion nma sina Jerwin ‘Pretty Boy’ Ancajas sa junior-bantamweight division at John Riel ‘Quadro Alas’ Casimero sa light-flyweight na inaasahang mapapalaban sa darating na mga buwan at gayun din sina Mark ‘Magnifico’ Magsayo, Marlon ‘Maranding Nightmare’ Tapales, Reymart ‘Assassin ‘ Gaballo, Jayson ‘Smasher’ Mama at Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.

Ang nasabing mga kampeon ay nasa pangangalaga ni Sean Gibbons, na siyang nangangasiwa sa MP Promotions na pag-aari ni Manny Pacquiao.

Handa si Ancajas na idepen sa sa ika-10 pagkakataon ang kanyang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight title laban  sa hindi pa pinapangalanang katunggali habang si Tapales naman, na isa ring dating world champion, nakatakdang lumaban sa undercard ni Ancajas.

Sa kabilang dako, ang Miami-based na si Gaballo ay nasa fight agenda rin ng MP Promotions na sinasabing mapapalaban para mapataas ang kanyang ranking bantamweight division.

Samantala, si Mama ng General Santos City sa Mindanao ay sasagupa para sa IBF flyweight crown laban sa Briton na si Sunny Edwards sa nalalapit na Setyembre 11 sa Inglatera at sa corner ng Pinoy ay inaasah ang naroroon mismo si Gibbons. Hawak ni Mama walang talong 16-0 card na may siyam na knockout habang si Edwards din ay walang talo sa 16-0 ledger subalit mayroon lamang apat na knockout.

Pinaghahanda na rin  sina Marcial at Magsayo dahil mapapalab an  ang Olympian silver medalist para sa ikalawang beses bilang propesyonal sa Disyembre habang si Magsayo ay target ang kanyang pagbabalik sa ring matapos bugbugin ang Mehikanong si Julio Ceja nitong nakaraang Agosto 21.

Dangan nga lang ay ang tunay na kinasasabikang sagupaan ay ang laban ni Casimero dahil na rin sa lumalawak niyang popularidad sa mga boxing fan s, na umaasang mapapalaban siya nang husto kay Filipino-American hotshot Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire sa Disyembre 11.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *