Saturday , November 16 2024

Donasyon ninakaw sa loob ng simbahan 4 kawatan arestado (Sa Batangas)

DINAKIP ng mga awtoridad nitong Lunes, 30 Agosto ang apat na lalaking nanloob sa isang simbahang Katoliko at ninakaw ang lamang pera ng mga kahon ng donasyon sa bayan ng Lian, lalawigan ng Batangas.

Kinilala ng Lian police ang mga suspek na sina John Rafael Jonson, 20 anyos; Juan Bautista, 23 anyos; at dalawang menor de edad, na dumaan sa balkon ng pangalawang palapag ng saradong St. John, the Baptist Parish Church na matatagpuan sa sentro ng bayan.

Tumakas ang mga suspek dala ang walong mga kahong naglalaman ng mga donasyong pera saka winasak at iniwan ilang metro ang layo sa simbahan at itinakbo ang salaping nahakot.

Napansin ng pamunuan ng parokya ang insidente ng pagnanakaw dakong 8:00 pm saka iniulat sa pulisya na dagliang nagresponde at nasukol ang mga suspek.

Narekober ng pulisya ang may kabuuang halagang P19,270 sa iba’t ibang denominasyon mula sa mga suspek.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga suspek at nahaharap mga kasong kriminal na inihahanda laban sa kanila.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *