NAGREKLAMO ang dalawang Chinese Olympians tungkol sa kalidad ng tinanggap na gintong medalya sa Tokyo Olympics.
Ayon sa kanila, ang gold medal ay madaling kumupas na nagmukha agad na luma.
Ang Tokyo Olympic medals ay simulang mawalan ng kinang, ayon sa dalawang Chinese athletes.
Sinabi ni Zhu Xueying na ang kanyang medalya ay simulang mangupas at dugtong ni Wang Shun na parang ayaw na niyang muling damputin ang medalya pagkatapos na maging parang luma iyon.
Si Zhu Xueying ay nanalo ng ginto sa women’s trampolining at buong pagmamalaki na ibinahagi niya sa social media ang image ng kanyang medal. Pero nang kumupas na iyon parang nahihiya na niyang ipagmalaki pa iyon sa mga netizens.
“Was your medal … peeling off like this?” tanong niya.
“Let me clarify this. I didn’t mean to peel the thing off at first, I just discovered that there was a small mark on my medal.
“I thought that it was probably just dirt, so I rubbed it with my finger and found that nothing changed, so then I picked at it and the mark got bigger,” sabi niya na nireport ng Global Times.