Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerrold Mangliwan
Jerrold Mangliwan

Mangliwan diskalipikado sa T52 men’s 400-meters finals

TOKYO – Nadiskuwa­lipika si whellchair racer Jerrold Mangliwan sa T52 men’s 400-meters finals sa isang nakaka­pang­hi­nayang na performance sa Tokyo Paralympic Games athletics meet sa Japan National Stadium nung Biyernes.

Nakakadismaya ang finale ni Mangliwan na dapat ay nabura ang national record na one minute at .80 seconds sa pagpuwesto niya sa 5th  sa karerang napanalunan ni Japanese Tomoki Sato na may tiyempong 55.39 seconds para ma-upset ang defending American champion Martin Raymond ng US (55.99) , na nagkasya lang sa silver medal.

Ang Filipino bet na si Mangliwan ay nasaraduh­an ang lane ng isa sa kan­yang kalaban na nagresulta ng diskuwa­lipikasyon kasama si Isaiah Rigo ng US, na nakagawa rin ng parehong blunder,  ayon kay  national para athletic Joe  Deriada mula sa Manila pagkatapos ng karera.

“He (Mangliwan) crossed an inner lane of his rivals, and this caused Jerrold’s disqualification,” sabi ni  Deriada.

Kung wala sanang nangyaring diskuwal­ipikasyon, mabubura sana ni  Mangliwan ang 1:02.17 national record na ipinoste niya noong May sa World Para Athletics Grand Prix sa Nottwill, Switzerland sa larong sinuportahan ng Philippine Sports Commission.

Inaasahan na babawi ang tubong Tabuk, Kalinga sa pagsalang niya sa men’s 1,500-meter race at ang finals ay ilalarga sa susunod na araw.

Samantala, si Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo kasama si IPC president Andrew Parsons, na nag-award ng medalya nung Huwebes sa men’s -49 kilogram division ng powerlifting at Tokyo Internatinal Forum.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …