Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gigi de Lana
Gigi de Lana

Gigi tatayaan ng ABS-CBN Music at ABS-CBN events

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANGARAP pala ni Gigi de Lana na makapag-prodyus ng kanyang debut album at magkaroon ng sariling digital concert at ito ay matutupad sa pamamagitan at tulong ng ABS-CBN Events.

Pagkatapos mag-viral kamakailan dahil sa cover niyang Bakit Nga Ba Mahal Kita, mas maipa­ma­malas pa ngayon ng RISE Artists Studio talent ang galing niya sa pagkanta sa pamamagitan ng kanyang nalalapit na full-length album.

“Nagpursige kami ng The Gigi Vibes band na gumawa ng sariling songs. Doon kami nag-grow at doon kami nag-start, so mayroon po kaming ilalabas na album,” aniya, na sinabi ring ilalabas na ang una niyang single sa Setyembre 24.

Isang pasabog na YouTube Music Night concert din ang paghahandaan ni Gigi na magaganap sa Disyembre.

“We are preparing for something big and ito inaareglo na ng banda kung ano ba ‘yung gagawin sa mga kanta, gagawa kami ng medley, maraming pakulo. May guests din pero secret pa,” ani Gigi.

Makakasama rin siya sa Filipino music festival na 1MX Dubai na gaganapin ng live sa Disyembre 3.

Unang nakilala ang ‘Rising Viral Star’ nang sumali siya sa unang season ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime na isa siya sa mga naging grand finalist.

Nitong nagkaroon ng pandemya, sinimulan ni Gigi ang online live gig na GG Vibes, na nagpe-perform siya ng mga cover kasama ang The Gigi Vibes band at tumatanggap din ng song requests mula sa mga manonood. Tuloy-tuloy ang pag-ani niya ng papuri habang umaabot sa libo-libo ang live viewers ng GG Vibes sa Facebook at YouTube.

Bukod sa pagkanta, sumabak na rin si Gigi sa pag-arte at napanood noong 2020 sa Star Cinema movie na Four Sisters Before the Wedding. Ngayong taon, opisyal na rin siyang naging Star Magic artist nang pumirma ng kontrata sa premier talent management arm ng ABS-CBN noong Black Pen Day.

Bago si Gigi, nauna nang nagtanghal sa YouTube Music Night noong Pebrero sina JonaJuris, at Jed Madela.

Abangan ang mas pagkinang pa ni Gigi sa kanyang debut album at  YouTube Music Night concert!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …