Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
e-Sabong
e-Sabong

e-Sabong pumalit sa POGO — Pagcor (Sa pagbabayad ng buwis)

AMINADO ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), tinalo ng e-Sabong ang operasyon ng POGO sa pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Pagcor Chair Andrea Domingo, maraming online casino o POGO ang nagsara ngayong pandemic.

Nag-alala raw ang naturang ahensiya kung saan kukuha ng revenue na kailangang-kailangan ng bansa bilang pantustos sa pangangailangan ng pamahalaan para labanan ang CoVid-19.

“But when e-Sabong started in May this year, we already made around P3.5 billion in revenues,” ayon kay Chairperson Domingo.

Aniya, “P350 million to P400 million kada buwan ang kinikita ng Pagcor sa online sabong.”

Sa kasalukuyan may apat na kompanyang nag-o-operate ng e-Sabong sa bansa.

Plano ni Domingo na gawing 12 ang online sabong operators para mas malaki pa raw ang kikitain ng ahensiya.

Napag-alaman, unang nag-apply at naaprobahan ng permit to operate ng Pagcor ang Lucky 8 Star Quest Inc., na nagpapatakbo ngayon ng Pitmaster Live na pag-aari ni Charlie “Atong” Ang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …