Wednesday , December 25 2024
fake documents

Doktor, sinampahan ng kasong criminal (Dahil sa pamemeke ng Covid-19 records/results)

KASONG kriminal ang isinampa ng isang doktor laban sa kanyang kabaro sa Valenzuela City Prosecutor’s Office, matapos ang klinika ng huli ay naunang tinanggalan ng Department of Health (DOH) ng lisensiya dahil sa pamemeke ng CoVid-19 results/records.

Sa kanyang complaint-affidavit, inakusahan ni Dr. Alma Radovan-Onia, Marilao Medical and Diagnostic Clinic Inc. (MMDCI), medical director, si Dr. Jovith Royales, chief executive officer ng Best Care Medical Clinic & Diagnostic Center Inc., sa Barangay Karuhatan, Valenzuela at operator/manager ng Puerto Galera (Oriental Mindoro) Molecular Laboratory, ng pamemeke ng resulta ng CoVid-19 tests upang lumabas na ginawa sa isang accredited testing facility.

Aniya, malinaw ang paglabag ni Royales sa batas lalo ang Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concerns Act lalo sa probisyon nito na nagsasabing ‘tampering of records or intentionally providing misinformation’.”

Bago ito, napag-alaman na pumasok sa isang agreement si Royales sa MMDCI, isang accredited CoVid-19 testing facility, na magpapadala ang akusado ng specimens galing sa mga kliyente ng Best Care at isasagawa ang CoVid-19 testing sa Joni Villanueva Molecular Diagnostic Laboratory (JVMDL), isang branch ng MMDCI.

Ngunit simula noong 21 October 2020, tumigil na ang Best Care sa pagpapadala ng specimens at napag-alaman na lamang ni Dra. Radovan-Onia na patuloy pa rin sa pagsasagawa ng swab tests para sa kanyang mga kliyente kahit ito ay walang sariling accredited Covid-19 testing facility.

Sa kanyang hiwalay na sworn affidavit, pinatunayan ni Dennil John Abucejo, dating empleyado ng Best Care, na sadyang pinatigil ni Royales ang pagpapadala ng CoVid-19 specimens sa MMCDI dahil nagsimula na siyang (Best Care) magsagawa ng swab tests gamit ang prosesong SD Biosensor Antigen.

Dagdag nito, siya ay inutusan ni Royales na gumawa ng template upang lumabas na ang test results ay nanggaling at ginawa sa JVMDL gamit ang RT-PCR test or ang reverse transcription-polymerase chain reaction.

Ngunit nang magsimulang magreklamo ang mga kliyente ng Best Care dahil sa umano’y pekeng CoVid-19 test results na ayon sa mga ahensiya ng pamahalaan ay hindi galing sa isang accredited facility ay agad siyang inutusan ni Royales na kopyahin ang logo ng MMDCI na siyang ilalagay sa test results upang lumabas na tunay at ginawa ng kinikilalang testing facility.

“Best Care has defrauded the public and worse, it collected from every patient the sum of P7,000 for every RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) CoVid-19 swab test results that they process,” ani Radovan-Onia.

Nauna rito, tinanggalan ng DOH ng license to operate ang Best Care matapos ang ginawang imbestigasyon at nadiskubreng namemeke ng CoVid-19 records.

Dahil dito, inutusan ng DOH ang Puerto Galera Molecular Laboratory na agad palitan ang buong management kasama ang mga tauhan nito na konektado sa Best Care upang hindi matulad sa huli na natanggalan ng lisensiya.

Napag-alaman, may hiwalay at nauna nang kasong falsification of documents na kinakaharap si Royales na isinampa rin ni Dra. Radovan-Onia laban sa kanya sa Valenzuela Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *