Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derrick Monasterio
Derrick Monasterio

Derrick gagawan ng kanta ang mga Taliban

Rated R
ni Rommel Gonzales

BONGGA si Derrick Monasterio dahil balak niyang gumawa ng kanta para sa mga Taliban.

Malaking isyu ngayon ang Taliban at ang mga kaganapan ngayon sa Afghanistan.

“Gusto kong gawan ng kanta ang mga Taliban. Go away o lumayas ka,” bulalas na kuwento ni Derrick.

Isa si Derrick sa napakaraming tao sa buong mundo na apektado at nalulungkot at shocked sa mga nagaganap sa Afghanistan, na mabuti hindi ito nangyari sa ating bansa.

“It can be us, ‘di ba? Pero hindi tayo, suwerte tayo.

“Kung doon ka nakatira, grabe ‘yung chaos niyon, as in magulong-magulo. Hindi mo alam na paggising mo, isang araw, last day na pala ng buhay mo ‘yun.

“Hindi natin naisip kung gaano tayo kasuwerte na hind isa atin ‘yun, eh. Hindi sa atin nangyari ‘yun.

“Kasi sa iba, tini-take ‘yun lightly. Pero in fact, napakaseryosong bagay at grabe lang ‘yung nangyari,” seryosong sinabi pa ni Derrick.

Samantala, available na ang pinakabagong single ni Derrick, ang Virgo na isang dance recording sa ilalim ng under GMA Music.

Ito ay komposisyon nina Alexis Ip at Adriel Zachary Yokingco”This latest single explores the dangers of modern dating as it narrates someone’s experience in associating their attitude and dating habits to their Zodiac. 

“With heart-tugging and vivid lyrics, it will surely appease the current generation of hopeless romantics and will take listeners to a “feels” ride of anticipation, relationship limbo, confusion, and disappointment.”

Sabi pa ni Derrick, ang Virgo ay malapit sa kanyang puso at napapanahon.

“Title pa lang and ‘yung art, it’s something new and malalim, narinig ko ‘yung kanta, sabi ko ‘Wow!’ 

“Na-LSS na ako, kinakanta ko na siya. Nakikita ko ‘yung sarili ko rito kasi kami ito eh, generation namin ‘to eh, ganito ‘yung mga isinasayaw namin sa parties, sa radio. Sobrang proud ako sa song na ito, akong ako ‘to.”

Available na ang Virgo for streaming sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at sa iba pang digital streaming platforms worldwide pati rin sa  pagda-download sa iTunes. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …