Friday , November 15 2024

P2K ECQ extended ayuda ng QC gov’t sa mga “tambay”

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

AYUDA…ayuda…ayuda…isa sa word of the year simula nang manalasa ang pandemya dulot ng nakamamatay na “veerus” – ang CoVid-19.

Tanging ito na lamang – ang ayuda ang inaasahan ng maraming apektado ng pandemya lalo ang sinasabing poorest among the poorest. Pero totoo nga bang mahihirap ang tunay na nakikinabang sa ayuda mula sa pamahalaan?

Heto, muling nabuhay ang salitang ayuda nang ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilang lungsod, bayan at probinsiya.

Sa pagpataw ng ECQ, nabuhay uli ang pagbibigay ng ayuda…tanging ang makatatanggap ay ang mga lugar na nasa ECQ. Yes, malinaw ha, ang lugar na hindi isinailalim sa ECQ ay walang matatanggap na ayuda. Unfair ba? Paano iyong hindi taga-Metro Manila pero nagtatrabaho sa Metro Manila na apektado ang pinapasukang kompanya? Hindi ba sila kasama sa ayuda? E, taga-Metro Manila lang daw po ang mabibigyan kasi nasa ECQ ang lugar. Mali yata, ano?

Ano pa man, sinimulan na ang pamimigay ng ayuda nitong nakaraang Miyerkoles (11 Agosto 2021) sa mga lugar na nasa ilalim ulit ng ECQ. Tulad ng dati, may mga reklamo pa rin. May mga hindi nakatanggap o talagang walang matatanggap simula pa noong unang pamimigay ng ayuda noong nakarang taon.

Pero huwag kayo mag-alala lalo riyan sa Quezon City. Bakit? Magandang balita ang hatid sa inyo ng pamahalaang lungsod. Bakit? Magkakaroon ba ng ayuda ang lahat? Mukhang ganoon na nga…pero sana ay hindi lang ito hanggang press release o papogi ng QC government na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte at sa halip, sana ang lahat ay hindi hanggang pangako lang. Well, sana nga… at iyan naman ay malalaman natin sa mga residente ng Kyusi. Kaya ang dapat maging totoo man o kasinungalingan ang good news ay kung maaaring balitaan ninyo ang inyong lingkod. Hintay-hintay lang ako sa gedli ha. Balitaan n’yo po ako.

Ang good news nga po ng Kyusi, ang mga residente na hindi sakop ng ECQ financial assistance ng pamahalaan ay makatatanggap ng one-time P2,000 cash aid sa ilalim ng binuhay na Kalingang QC program.

Ayos ha! Heto yata iyong hindi nakasama ang listahan ng national government o Department of Social Welfare and Development (DSWD). Wow, sarap buhay sa Kyusi ha! Kahit tambay makatatanggap ng P2,000. Deserving ba sila?

Ano pa man, ang extended ayuda ng QC gov’t ay alinsunod sa Executive Order No. 19 S-2021, na inisyu ni Mayora Belmonte. Wow, panalo na sa susunod na eleksiyon si Mayora. Hahahaha…

Ang naturang financial assistance ay ipagkakaloob sa mga residente ng lungsod na nawalan ng trabaho o iba pang pagkakakitaan sa panahon ng implementasyon ng ECQ sa Metro Manila ngunit hindi entitled sa cash aid mula sa national government.

Hindi naman pala mga tambay sa kanto na salot sa lungsod ang makikinabang kung hindi ang mga nawalan ng trabaho ngayon ECQ.

“We will prioritize persons who are physically residing in Quezon City and not receiving ayuda under the national government’s ECQ financial assistance and those who will not receive any form of cash aid,” ayon kay Belmonte.

Ang mga makikinabang pala ay mga indibidwal na hindi tatanggap ng sahod, gayondin ang mga self-employed individuals na hindi pinapayagang makapagtrabaho sa buong panahon ng ECQ, simula Agosto 6 hanggang 20.

“The order applies to any employment status, whether regular, probationary, seasonal, part-time, project-based or fixed term employees,” dagdag ng alkalde.

Ang Social Services Development Department (SSDD), Barangay Community Relations Department (BCRD), Public Employment Services Office (PESO) at ang Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang may mandato na tiyakin ang episyente at epektibong implementasyon ng kautusan.

Paano naman makakukuha ng extended ayuda ng Kyusi ? Okey, heto ang siste mga taga-QC. Ang mga eligible applicants ay maaaring mag-fill up at magsumite ng aplikasyon kasama ng documentary requirements sa kani-kanilang barangay.

Matapos ma-consolidate ng BCRD ang mga aplikasyon, isasailalim ito sa screening at beberipikahin nila, kasama ang SSDD, PESO at BPLD, para sa approval.

Ayos, pero sana walang palakasan tulad ng mga nangyayari sa ibang lugar Mayora Joy. Kaya bantayan po ang mga bara-barangay na iyan. Baka bata-bata system o malakas kay barangay chairman kaya inirekomenda para makakuha ng P2k.

Bagamat, ang lahat ng aplikante na maaaprobahan ay aabisohan ng SSDD kung paano nila matatanggap ang kanilang ayuda, maaaring direct cash payout, electronic o digital means, cash card payments o di kaya ay transfer of funds sa pamamagitan ng local government.

O, kung batid ninyo na isa kayo sa qualified – oo, kayong mga taga-QC, ano pang ginagawa niyo? P2,000 din po iyan. Malaking bagay iyan sa panahon ng pandemya. Kilos na! 

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *