Saturday , November 16 2024
Online registration sa bakuna vs CoVid-19 Bulacan Public Health Office
Online registration sa bakuna vs CoVid-19 Bulacan Public Health Office

Online registration sa bakuna vs CoVid-19 (Sa pagtataguyod ng Bulacan Public Health Office)

SA BAWAT taong maba­bakunahan laban sa COVID-19, isang hakbang na mas malapit upang makamit ang herd immunity sa bansa.

Paalala ito ng Bulacan Provincial Health Office-Public Health na itinata­guyod ang online registration sa pagpa­pabakuna laban sa CoVid-19 sa kanilang opisyal na Facebook account at sa mga lugar ng bakunahan na tinawag na Bulacan Accelerated Vaccine Roll-out.

“Kung wala po ang inyong munisipyo sa listahan ay maaari magtungo sa mga Rural Health Unit (RHU) ng inyong lugar para makapagparehistro,” ani Dr. Hjordis Marushka Celis, direktor ng Bulacan Medical Center.

Makikita at maaaring magparehistro sa mga link para sa bakuna kontra CoVid-19 ang mga nasa priority group na A1 hanggang A5 o ang mga frontliner, senior citizen, mga may comorbidity, indigent population, at uniformed personnel sa mga bayan at mga lungsod ng Bulacan na naka-post sa kanilang opisyal na Facebook account na https://www.facebook.com/ PHOBu

Bukod dito, hinihikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na magpabakuna upang maprotektahan hindi lamang ang kanilang mga sarili kundi maging ang kanilang mga pamilya at mga taong nakapalibot sa kanila.

“Hindi po namin kayo pinipilit na magpabakuna but we are highly recommending that you get vaccinated. It is free and it is for your protection lalo ngayon na nandito na ang Delta na higit na nakahahawa,” saad ni Fernando.

Hiningi ng gobernador ang pakikiisa at pasensiya ng mga Bulakenyo habang naghihintay ng bakuna.

“Lahat po ng ibinibigay na bakuna sa atin ay ibinibigay natin sa mga Bulakenyo. Sa mga nakapagrehistro na at hindi pa nababakunahan, hintay lang po tayo, sinusunod po natin ang prioritization guidelines galing sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG). Kung nakarehistro na at may dumating mas madali po nating maia-allocate,” dagdag ni Fernando.

Ayon sa World Health Organization (WHO), malaking tulong ang bakuna sa paglaban sa CoVid-19 at ang pagpapabakuna ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang protek­siyonan ang sarili at kapwa.

Inilinaw din ng WHO sa kanilang website na nagkakaroon ng immune response ang mga taong nagkaroon ng SARS-CoV2, ang nagdadala ng CoVid-19 ngunit kailangan pa rin ng bakuna laban dito upang higit na mapataas ang proteksiyon at mapalakas ito.

 (MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *