I-FLEX
ni Jun Nardo
NADARANG sa init ang Anak ng Macho Dancer na si Sean de Guzman habang kinukunan ang kangkangan scenes niya sa isa sa female leads ng Viva movie na Taya.
Ayaw banggitin ni Sean kung sino sa tatlong kapareha niya ang kaeksena niya sa virtual mediacon ng movie.
Pero agad nagboluntaryo si AJ Raval na siya ang kaeksena ni Sean noong kunan ‘yon, huh!
Ayon kay AJ, propesyonal na tinapos nila ang eksena ng walang malisya.
Eh, nagwakas na rin ang relasyon ni AJ sa kanyang boyfriend kaya single siya ngayon. Pero kung mayroong artistang lalaki na gusto niyang maka-one night stand, si James Reid ang una niya sa listahan!
“Pero hindi naman agad-agad. Gusto ko munang makilala nang husto si James,” rason ni AJ.
Sa August 27 ang simula ng streaming ng Taya sa Viva Max at iba pang digital platforms sa ibang territories.