Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kuya Wil, Wilbert Tolentino, Willie Revillame, Madam Inutz, Daisy Lopez
Kuya Wil, Wilbert Tolentino, Willie Revillame, Madam Inutz, Daisy Lopez

Wilbert Tolentino, sumusunod sa yapak ni Willie Revillame

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ITINUTURING na pumapangalawang Kuya Wil ang ka-freshness na si Wilbert Tolentino. Siya ay former Mr. Gay World titlist, businessman, social media infuencer, at philanthropist.

Sumusunod daw siya sa yapak ng generous TV host na si Willie Revillame. Bawat episode ng vlog niya ay mayroon siyang inaayudahan. Kahit sa subscribers niya ay namimigay si Kuya Wil II ng cash sa bawat vlog niya. Ito ay tinatawag na Kafreshness CodeBination Giveways. May 20 winners ng P500 Gcash at dalawa ang mananalo ng Oppo A15. Manood at sumali. Para sa mechanics i-follow ninyo siya sa Instagram account niya na sirwil75.

Kamakailan ay may collab sina Kuya Wil II at ang viral online seller na si Madam Inutz (Daisy Lopez) sa Wilbert Tolentino Vlogs YouTube channel na may 1.4 M subscribers. Si Madam Inutz ay na-feature noon sa KMJS. Trending din ang paggaya sa kanya ni Pokwang. Nakipag-collab din sa kanya sina Ethel Booba at Donita Nose.

Anyway, may sorpresang handog si Kuya Wil dahil nagbigay siya ng P200k sa mag-ina. P100K para kay Madam Inutz at P100K sa ermat niya na may sakit. Two days pa lang ay 1.6M na ang views nito. Hindi pa natapos diyan dahil noong Wednesday naman ay nag-upload si Kuya Wil ng two minutes shopping challenge kina Madam Inutz at Herlene Hipon. Worth P107,231 ang nahakot ni Hipon. Isi-share rin daw niya ang mga blessing na natanggap niya mula kay Kuya Wil II sa mga kamag-anak niya at sa mga nangangailangan. Naniniwala siya na ‘pag may biyayang dumating ay kailangang ipamahagi para may pumasok ulit na grasya. Si Madam Inutz naman ay umabot ng P342,173 ang na-shop sa challenge. Ititinda raw niya ito sa online para magamit sa medication ng kanyang ina.

Marami tuloy ang nagsasabi na bagay si Wilbert na maging manager ni Madam Inutz ngayong ini-release na siya ng Star Image Management. Sigurado raw na maaalagaan siya at nasa mabuting kamay ito.Perfect manager siya dahil mapagkakatiwalaan ito at may koneksyon. Hindi rin sila mag-aaway sa datung at komisyon dahil na-witness naman ni Madam Inutz ang generosity ni Kuya Wil II. Hindi rin ito nasangkot sa kontrobersiya sa pera dahil parehas itong lumaban. Abangan na lang natin kung hahantong sa talent at manager ang relasyon nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …