Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manilyn Reynes, Babaeng Unggoy, Wish Ko Lang
Manilyn Reynes Babaeng Unggoy Wish Ko Lang

Babaeng Unggoy patok sa viewers

Rated R
ni Rommel Gonzales

MARAMI ang tumutok sa Babaeng Unggoy episode ng Wish Ko Lang noong Sabado (August 14). Bukod sa nakakuha ito ng mataas na ratings, pumalo na rin as of this writing sa 1.7 million ang Facebook views ng nasabing episode na pinagbibidahan ni Manilyn Reynes.

Si Manilyn ang gumanap na ‘babaeng unggoy” na si Sara, isang babaeng may medikal na kondisyon na nagdudulot ng sobra-sobrang pagtubo ng buhok sa kanyang mukha at katawan. Kasama rin niya sa episode sina Ahron Villena, Gladys Reyes, Almira Muhlach, Tina Paner, Anna Vicente, at ang Internet sensation na si Jomar Yee.

Sa two-part story, nahulog ang loob ng binatang si Kevin (Ahron) kay Sara kahit na kakaiba ang kanyang anyo. Okay naman sana ang pagsasama nila pero laking gulat ni Sara nang malaman niyang pinagtataksilan pala siya ni Kevin at ng best friend niyang si Faith (Gladys). Ang malala, alam pala ng dalawang kaibigan niya (Tina at Almira) ang tungkol dito.

Abangan sa part 2 ng Babaeng Unggoy episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 21, pagkatapos ng Tadhana sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …