Saturday , November 23 2024
Lucy Torres, Richard Gomez
Lucy Torres, Richard Gomez

Congw Lucy ‘di na kumakain ng chicken —Friends ko na kasi sila

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ALIW na aliw kami sa ibinigay na dahilan ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez kung bakit hindi na siya kumakain ng chicken. Kaibigan na kasi niya ang mga ito.

Sa pakikipagtsikahan namin kay Lucy kahapon ng tanghali, natanong si Lucy sa sikreto nito na napapanatili ang kagandahan.

There are no secrets really,” panimula ni Lucy. “I think I can just attribute to the fact that maybe five years ago I became really very mindful not so much about what I put on my face or it was more about what I was eating. What I was really put in my body,” esplika ng magandang maybahay ni Goma.

So ano nga ba ang kinakain ni Lucy?

“Five years ago I transition into a more healthy way of eating. Not to say na I don’t eat anymore lechon, or chicharon bulaklak or spam, I still do.

“I don’t eat chicken na. Eversince the lockdown, when I got back March of 2020 noong simula ng kasagsagan ng Covid, I had to quarantine for two weeks. I had to isolate for two weeks, so every afternoon I go under the sun with the book. And then, kasama ko iyong mga manok na alaga ni Richard.

“Ito kasing si Richard when he became mayor we live apart. He was based here and I was based in Manila. And we have a big space here in the province. He started with two turtles na pagala-gala lang and then everytime I come home over the weekend, there will be more animals. May mga manok na then may ganza, then may turkey, and then may bees, and then ‘yung aso. And then may baboy.

“We’re like ano here, animal kingdom, nakakatuwa, kasi lahat sila nagkakasundo,” aliw na kuwento pa ni Congw. Lucy.

Ikinatutuwa rin ni Lucy na lahat ng pagkain sa probinsiya nila ay fresh at ipinagmalaki ring mahilig si Richard sa pagtatanim. 

Samantala ukol naman sa politika, natanong din ang misis ni Richard Gomez ukol sa reaction nito nang mabalitang ikinokonsidera siyang maisama sa tiket nina Ping Lacson at Tito Sotto sa 2022 election.

“I’m very thankful should I decide to run, somebody is willing to adopt me in their slate and in the past naman Tito Sen and Sen. Ping we had the same stand on several issues. I’m thankful siyempre kung sino man ang mag-adopt na slate para tumakbo sa senado is a blessings. And very thankful to the duo of Tito Sen and Sen. Lacson,” ani Congw Lucy.

Pero nilinaw niyang wala pa siyang desisyon kung tatakbo nga siya bilang Senador. Ang tiyak, ang kanyang asawang si Goma ang tatakbo bilang representante o papalit sa puwestong maiiwan niya.

Aniya, “I never said na I definitely running for senate, it’s an option that is being considered. I’m weighing my options, but I haven’t decided whether I’ll be running for senate or not.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *