Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cassy Legaspi
Cassy Legaspi

Cassy no-no sa maigsing buhok

Rated R
ni Rommel Gonzales

PAGKATAPOS ng highly-successful na First Yaya na gumanap siya bilang si Nina, bagong milestone sa career ni Cassy Legaspi na mapili bilang bagong Palmolive Girl.

At dahil produkto para sa buhok ang bago niyang ineendoso, tinanong namin si Cassy kung kaya ba niyang mag-eksperimento pagdating sa kanyang mahabang buhok. Kaya ba niyang magpagupit ng maigsi na tulad ng ginawa ng mommy niyang si Carmina Villaroel noong dalaga pa ito?

Rito namin napag-alamang hindi kaya ni Cassy na magpaigsi ng buhok!

Parang ayoko po,” sabay hawak ni Cassy sa kanyang buhok habang natatawa. “Gusto ko pong palaging mahaba.”

Siguro pinakamaigsi na para sa kanya ay ang hanggang balikat.

“Siguro ‘pag may role na short [hair] pero hanggang dito lang,” sabay muwestra niya sa kanyang balikat.

“Hindi ko kaya eh, mahal ko talaga ‘yung buhok ko,” at muling tumawa ang Kapuso female youngstar. 

Sa buong buhay niya ay hanggang balikat lamang ang nasubukan niyang pinakamaigsing hairstyle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …