NALUGI na pala sa kanyang pagba-buy and sell ng kotse ang isang dating male sexy star. Noong madalang na ang mga pelikula niyang sexy, nagpunta siya sa Japan at pumasok na “hosto” sa isang club.
Ipinasok naman siya roon ng isang sexy ding male gay actor na sinasabing naka-fling din niya noong raw.
Nang matagalan, nagkaroon siya ng isang girlfriend na Haponesa, na pinaalis siya sa kanyang trabaho sa club, binigyan ng puhunan sa negosyo at pinabalik nga sa Pilipinas. Every now and then, dinadalaw naman siya rito ng girlfriend niyang Haponesa. Dahil mahilig sa kotse, nagbukas siya ng second hand car exchange. Pero dahil sa lockdown nalugi siya. Hindi rin makapunta rito ang Haponesa. Balik siya sa “sideline” niyang local. (Ed de Leon)