HATAWAN
ni Ed de Leon
TAMA ang suspetsa namin, may mas malaki pang kasalang pormal na magaganap kina Angel Locsin at Neil Arce kung medyo normal na nga ang buhay. Kailangan nga ang kasal na sibil kung magpapakasal sila sa born again rites kung sakali. Iyong kasal nila na isinagawa sa harap ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ay siyang magsisilbi nilang kasal at ang gagawin nila sa born again ay convalidation na lamang.
Isa pa, hindi nga rin ikinaila ni Angel na gusto na rin naman nilang magka-anak. Mas mabuti na nga naman na makasal sila para kahit paano ay legal din naman ang status ng kanilang magiging anak.
Ang mahalaga lang, wala na silang problema.