TAMA ang suspetsa namin nang ilang ulit naming nakita ang isang male star na naka-istambay sa isang upscale na mall. Kasi naman matagal nang nababalita na ang mga umiistambay doon ay mayroon ngang ”kakaibang sideline”.
May isang kilalang pimp na umamin na nagsa-sideline nga raw ang male star, at ang hinihingi raw na presyo niyon ay P50K. ”Pero hindi siya mabili, kasi mas maraming mas sikat sa kanya na mababa lang ang presyo at dapat niyang ma-realize na may pandemya ngayon. Mahirap ang pera,” anang pimp.
Pero tambay pa rin ang male star sa mall. ”Nagbabaka-sakali siguro,” sabi nila.
(Ed de Leon)