Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Adrian Lindayag Keann Johnson
Adrian Lindayag Keann Johnson

Relasyon nina Adrian at Keann tuloy

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

PAGKATAPOS mabuo ang pagmamahalan nila sa pelikulang The Boy Foretold by the Stars, matitinding hamon naman ang haharapin ng relasyon nina Adrian Lindayag at Keann Johnson sa original digital series na Love Beneath the Stars. Mapapanood na ito ng libre sa Pilipinas sa iWantTFC simula Agosto 16.

Magiging official na ang status nina Dominic (Adrian) at Luke (Keann) bilang magnobyo, pero sunod-sunod na problema ang kailangan nilang suungin–ang pagtutol at panghuhusga sa kanilang relasyon, ang pagkakadawit nila sa isang eskandalo, at ang isyu ng third party.

Ibinahagi nina Adrian at Keann ang mga mahahalagang aral na makukuha ng viewers sa serye tungkol sa pag-ibig.

“Kapag pinili mo, dapat panindigan mo. Dapat kapag pinanindigan mo, dapat alam mo na tanggap mo rin ang challenges na kasama roon. Kasi marami silang challenges na hinarap noong pinili nila ‘yung isa’t isa,” saad ni Adrian sa isang interview.

Kuwento naman ni Keann, “Love knows no gender. No one can tell you who you should or should not love. Even if fate decides na you’re not supposed to be with this person, if you genuinely love this person and you want this person to be part of your life and you know he’s going to be good for you, then by all means you should fight for it.”

Magsisimula ang tensyon sa dalawa dahil pagseselosan ni Luke ang lumalalim na samahan ni Dominic sa schoolmate nilang si Gio (Vaughn Piczon). 

Lalo pang masusubok ang pag-iibigan nina Dominic at Luke dahil magiging malaking eskandalo ang pagiging magka-date nila sa graduation ball. Ituturing kasing kahihiyan ang relasyon nila sa all-boys Catholic school nila, lalo na’t naghalikan sila sa grad ball. Pati ang mga magulang ni Dominic (Agot Isidro at Romnick Sarmenta) ay ikagagalit ang pagkakasangkot nito sa eskandalo at kokontrahin pa ang pakikipagrelasyon ng kanilang anak.

Dahil sa patong-patong na gulo, pagdududahan nina Dominic at Luke ang kanilang pag-ibig. Ano ang susundin nila – ang mga bituin o ang isinisigaw ng kanilang mga puso?

Ang Love Beneath the Stars ay isinulat at idinerehe ni Dolly Dulu at pinagbibidahan din ito nina Nikki ValdezAgot IsidroRomnick SarmentaVictor Silayan, at Iyah Mina. Mayroon itong anim na episodes at isa ang ilalabas kada Lunes simula Agosto 16.

Napapanood na rin ng libre sa iWantTFC sa Pilipinas ang The Boy Foretold by the Stars, na nagwagi ng 2nd Best Picture sa 2020 Metro Manila Film Festival. Available rin ang parehong movie at series sa premium iWantTFC subscribers sa labas ng Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …