Rated R
ni Rommel Gonzales
PUNUMPUNO ng emosyon ang mga eksena ni Jak Roberto para sa upcoming GMA series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
Sa sobrang intense nga ng isa sa mga eksena kasama ang co-star na si Klea Pineda ay napalakas ang suntok ni Jak at nagkasugat ang kanyang kamao.
“Kailangan magalit ako sa character ni Klea, kay Joyce. So halo-halong galit, frustration, betrayal. Ganoon ‘yung nangyari kaya kailangan kong ilabas ang lahat.”
Bukod kina Jak at Klea, bibida rin sa serye ang nagbabalik-telebisyon na si Lauren Young at beteranang aktres na si Ms. Snooky Serna.
May napansin naman si Snooky sa kanyang co-stars. ”Iba talaga ang vibe ng mga kabataaan ngayon pero ‘yung professionalism, nandoon. And ‘yung joy for taping, nandoon.”
Abangan ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye soon sa GMA-7.