Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glaiza de Castro Nagbabagang Luha
Glaiza de Castro Nagbabagang Luha

Direk Gina kay Claire Castro — A star is born  

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

“OKAY siya! Napakaganda pa niya sa screen. Para sa isang newcomer na walang ka-experience-experience, tapos binigyan ng ganito kabigat na acting role, she passed it with flying colors.”

‘Yan ang assessment ng actress-director na si Gina Alajar  kay Claire Castro na kasama sa lead cast ng Nagbabagang Luha, ang bagong serye ng GMA 7 na actually ay re-make ng pelikulang may ganoon ding titulo na idinirehe ng naging National Artist for Film na si Ishmael Bernal (RIP). 

Si Claire ay anak ng dating young stars na sina Diego Castro, na gumanap sa Gimik (Hunyo 1996-Pebrero 1999) ng ABS-CBN, at Raven Villanueva na lumabas naman sa T.G.I.S. (Agosto 1995-Nobyembre 1999) ng GMA-7.

Nagsimula na noong Lunes ng hapon, August 2, ang seryeng Nagbabagang Luha.

Batay sa trailer, okey si Claire sa role na dating ginampanan ni Alice Dixson sa pelikulang iyon ng Regal Films.

Ayon kay Gorgy Rulla ng Troika ng PEP. Ph”napakaganda ni Claire, makinis… bata pa, sariwang-sariwa, kaya bumagay sa kanya ang role.”

At wala siyang takot ibuyangyang ang cleavage n’ya sa mga pictorial at eksena sa serye. Ang pagiging walang-takot na itambad ang cleavage at iba pang bahagi ng katawan ang isa sa mga napaka-importaneng susi sa tagumpay para sa mga baguhang artista na ‘di na menor de edad. 

Nababantilawan ang mga baguhang magaganda ang mukha at matatamis na ngiti lang ang handang itambad.

Isa sa pumuri sa kanya ay si Direk Gina na gumaganap bilang si Calida Montaire sa Nagbabagang Luha.

Na-curious sa kanya si Direk Gina kaya minsan pag-take nito, pinanonood niya sa monitor ng direktor nilang si Ricky Davao.

Ani Direk Gina noong online media conference para sa serye: ”Okay siya! Napakaganda pa niya sa screen. Para sa isang newcomer na walang ka-experience-experience, tapos binigyan ng ganito kabigat na acting role, she passed it with flying colors.

“But it doesn’t mean that she will stop from learning. I think it’s a 24/7 job.

“So, hindi siya kailangan mag-rest. People will say… fans will say ang galing-galing mo. This can boost your ego and tend to believe it. It’s true naman.

“Kaya lang, mahirap doon kapag pinaniwalaan mo na nang sobra-sobra, there would be no more room for improvement. Marami pa, marami ka pang kailangang pag-aralan.”

Pinayuhan ni Direk Gina si Claire na i-practice pa ang dialogue lalo na ang pagbigkas ng ‘R’ dahil nagru-roll pa ito. Maliban dito, may bagong star na naman ang GMA-7 sa katauhan ni Claire Castro.

“A star is born again. GMA has proven once again na hindi ka kailangan mapagod sa pagdiskubre ng mga bagong artista,” pahayag ni direk Gina.

Mapapanood ang Nagbabagang Luha pagkatapos ng Eat Bulaga, kaya mauurong ang Ang Dalawang Ikaw nina Ken Chan at Rita Daniela.

Tampok din sa bagong afternoon drama na ito sina Glaiza de Castro, Mike Tan, at Rayver Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …