BULABUGIN
ni Jerry Yap
NABILI ba ng ibang forwarder companies ang mga traffic enforcers ng Parañaque, imbes mag-ayos ng trapiko diyan sa kanto ng C-5 at Kaingin Rd., lalo na kung rush hours ay sila pa ang nagiging source ng kagulohan?
Isang driver ang nagreklamo sa inyong lingkod. Nandoon nga siya sa nasabing lugar. At dahil nakikita niyang nag-iimbudo na ang traffic, dahil ang kabilang side ay ginagawang paradahan ng mga forwarders, naisipan niyang umatras habang maaga pa at hindi pa siya naiimbudo.
Habang umaatras, nakita siya ni traffic officer Jefferson. Galit na galit ang ungas dahil bawal daw ang ginagawa niya.
Heto ngayon, sila na nga itong bastos at arogante, sila pa ang may ganang magsabi na ‘yung driver daw ang may problema.
Ano ba ang masama kung umatras?
Ang epal naman ni traffic enforcer Charlie Bininggo, arogante raw ‘yung driver.
Wattafak!
Aba e mahirap kausap ang mga sinungaling na ganyan.
Traffic enforcers Jefferson & Charlie Biningo, mukhang malapit na kayong bumingooo!
Marami nang nagaganap na iringan at kabulastugan ng mga enforcers sa area na ‘yan.
Resolbahin ninyo ‘yan at huwag na ninyong pasabugin pa ang problema!
Mayor Edwin Olivarez, bakit ganyan kaastig ang mga enforcers?
Aksiyon, Mayor!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com