Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Molina Jerald Napoles
Kim Molina Jerald Napoles

Kim ‘di kayang maghubad kahit tapatan ng P5-M

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI naman itinatago kapwa nina Kim Molina at Jerald Napoles na nagsasama na sila sa iisang bahay. Pero iginiit na wala pa silang planong magpakasal lalo’t  lalong gumaganda ang kani-kanilang career.

Sa virtual media conference para sa kanilang pelikulang Ikaw at Ako at Ang Ending ng Viva Films na mapapanood na simula August 13 sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV, at Vivamax, sinabi nilang wala pa sa kanilang plano ang pagpapakasal.

“Marami pang aasikasuhin ngayon lalo na ECQ na naman,” ani Jerald.

“Pero nag-uusap naman po kami about our future. Alam po namin kung saan papunta. Especially si Je, alam niyo naman, gentleman ‘yan, gusto niya at ease ako kasi alam naman po niya na 30 (years old) na po ako. May mga ganoong pag-uusap naman,” pag-amin ni Kim.

Sinabi pa ng dalawa na madaling pagplanuhan ang kasal. ”Pero mahirap panindigan,” giit ni Je.

“Kaming dalawa ni Jerald we respect each other’s individuality. Although Si Jerald siyempre nirerespeto niya ‘yung idea na ako at ang parents ko, na siyempre gusto ng parents ko na magpakasal na kami. Kumbaga sa career namin, ngayon pa lang kami nandito,” paliwanag ni Kim na sunod-sunod nga naman ang paggawa nila ng pelikula.

Sabi nga  kahit pandemic, bongga pa rin ang kanilang mga career at  taon nila ang 2021. Mula sa kanilang unang successful na team-up sa  Ang Babaeng Walang Pakiramdam,  nasundan agad ito ng romantic movie na idinirehe ni Irene Emma Villamor, itong Ikaw at Ako at Ang Ending.

“From ‘Rock of Aegis,’ everything happened so quickly, so ayoko rin pong i-hold back y’ung gustong gawin ni Jerald for himself. Kumbaga bago po kami magsama bilang isa, kailangan buo kami individually,”  sambit pa ni Kim.

Samantala, ang Ikaw at Ako at Ang Ending ang pinaka-daring movie ng dalawa. Sa trailer pa nga lang, makikita na ang maiinit nilang love scenes. Mabuti na lang ang magdyowa nga sila in real life kaya mas madali na gawin ang mga eksena.

Natanong ang dalawa kung hanggang saan ang kanilang limitasyon sa daring scenes at kung kaya nila ang frontal nudity?

At ”no” pareho ang sagot nila.

“Actually, hindi ko masasagot, pero sa ngayon, hindi,” ani Jerald.

Sabi naman ni Kim, ayaw na niyang bigyan ng alalahanin ang kanyang mga magulang.

“Sa nangyayari po sa mundo, ang magulang ko po ay malayo, ayoko na pong dagdagan ang maiisip ng tatay ko, hindi ko na lang po gagawin,” giit ng komedyante.

Hindi nga pinanood ng tatay ni Kim ang trailer ng Ikaw at Ako ang Ang Ending.

“Ayaw ko pong bigyan ng sakit ng ulo ang tatay ko, so hindi pa po natin kailangang…” ani Kim.

Iginiit pa ni Kim na hindi niya kailangang talagang maghubad nang todo sa pelikula kahit pa tapatan ito ng P5-M.

Mapapanood ang Ikaw at Ako at Ang Ending globally sa mga streaming platforms na  ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa VIVAMAX sa Aug. 13.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …