Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina
Ara Mina

Ara gustong masalang sa horror film

NAALIW ang mga host na sina Mel Martinez at Toni Co sa pagbisita ng bagong kasal na si Ara Mina sa programa nila.

Dahil ang Hazelberry Cakes niya ang gumawa ng wedding cake nila ni Dave Almarinez, kasama na ngayon sa negosyo niya ang paggawa na rin ng wedding cakes.

At hindi mawawala sa menu ang mga bestseller nilang cakes gaya ng sumikat na Red Velvet Cake. 

Dagdag pa niya, ”We have coffee because it’s a café!”

Oo nga naman.

Samantala, inaabangan ng mga tagasubaybay ng FPJ Ang  Probinsyano kung hanggang saan sasagad ang galit ng asawa niya (portrayed by Tirso Cruz III) sa nabuking na affair niya sa nagpapanggap na Pangulo (Rowell Santiago).

Looking forward siya sa part 2 ng Pornstar na nag-enjoy siyang talaga sa papel niya at mga kasama.

Nagkakaroon man siya ng mga problema sa pagpasok niya sa mga negosyo, lalo sa restaurant business, doon naman siya natututo nang husto. Kaya hindi siya takot na mag-take ng risks.

Ang Ara’s Secret niya na may kinalaman sa pagpapaganda eh, nasa ika-10 taong na pala.

Huwag nang tanungin ang sikreto. Kaya nga sikreto. Pero nagsi-share naman siya ng blessings niya kaya siguro ito nagpapatuloy.

Kung mayroon pa siyang gustong gampanan sa pelikula, gusto ni Ara na masalang naman in a horror film. 

Sige, abangan natin. Basta pasyal tayo sa Hazelberry Café kasi nga may kape!

(PILAR MATEO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …