Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rocco Nacino
Rocco Nacino

Rocco parang nanalo na sa nominasyon sa Star Awards;
Ima at Sephy pinasaya ang kaarawan nina Ma Mita at Maricris

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRANG saya ni Rocco Nacino sa nominasyong nakuha niya sa 34th Star Awards for Television para sa mahusay na pagganap sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun bilang si Sergeant Diego Ramos.

Ayon kay Rocco, ”Wow sobrang masarap sa feeling ‘yung mabalitaan mong nominado ka, sa akin kasi nominasyon pa lang very grateful na po ako.

“Fingers crossed. Sana po manalo! pero for me naman po ‘yung nominasyon pa lang parang nanalo na ako.

“Kaya nagpapasalamat ako sa PMPC kasi napansin nila ako sa ‘Descendants of the Sun.’”

Makakalaban ni Rocco sa Best Drama Supporting Actor sina Gabby Eigwnmann,  (Bilangin Ang Bituin Sa Langit); Gardo Versoza  (Sandugo); Jaime Fabregas  (FPJ’s Ang Probinsyano); Joel Torre (Starla); Michael de Mesa (FPJ’s Ang Probinsyano; Roderick Paulate (One of the Baes).

Ima at Sephy pinasaya ang kaarawan nina Ma Mita at Maricris

NAGBIGAY-SAYA si Ima Castro at Sephy Francisco sa magkahiwalay na araw na selebrasyon ng kaarawan nina Hazel “Ma Mita” Amante  (July 29) at Marcris Tria Bravo  (July 30) na ginanap sa San Rafael River Adventure sa San Rafael, Bulacan kamakailan na ang host ay ang dating Walang Tulugan host na si John Nite.

Punong abala ang celebrity business man/woman couple na sina Cecille at Pete Bravo at Raoul Barbosa.

Inawit nina Ima, Sephy, at John ang ilan sa paboritong kanta nina Ma Mamita at Marcris. Habang nagbigay din ng ilang awitin ang mga mahal sa buhay nila na sina Jeru, Miguel, at Matthew.

Isang awitin naman ang inihandog ng boyfriend ni Maricris sa kanya na si Att. Christian Corbes na labis na ikinakilig ng mga bisita.

Ilan sa mga kaibigan at kamag-anak nina Ma Mita at Maricris na dumalo sa kanilang masayang kaarawan sina Tita Lita, Tito Dan, Tita Marita, Tita Benita Corbe, Tita Caye Jeffrey Dizon, Mark Lua, Ninang Erlinda Sanchez, former dancer/choreographer Ninong Benjie Montenegro with Xantel, Atty. Liz and Xander, celebrityfashion designer Raymund Saul, Yaya Catherine andDJ/Anchor Janna Chu Chu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …