BULABUGIN
ni Jerry Yap
Ang sabi nga, “You cannot put the good man down!” Kahit batuhin man siya ng mga maling balita at kung ano-anong intriga mananatili siyang nakatayo at lumalaban. Ganyan katatag ang nag -iisang Romulo Valderrama Peña. Hindi basta-basta siyang natatalo o napayuyuko bagkus patuloy na naglilingkod at lumalaban para sa minamahal niyang kababayan.
Likas na kay Congressman Romulo ang tumulong sa kapwa. Natutuhan niyang magkawanggawa sa pamamgitan ng kinalakihan niyang pamilya. Kumbaga kasing bilis ng Kidlat ang ginagawa niyang pagtulong sa mahihirap. Kaya naman tinagurian siyang “Kidlat ng Makati.”
Maraming pinagdaanang posisyon si Rep. Kid bago siya naging congressman ng Distrito Uno ng Makati. Naging SK Chairman siya, kapitan ng Barangay Valenzuela, presidente ng Liga Ng Mga Barangay sa Makati, naging konsehal, Makati city vice mayor, Makati city mayor hanggang maging congressman sa kasalukuyan.
Since day one ng kanyang panunungkulan walang hinto siyang nagbibigay ng serbisyo. Kasama ng kanyang Kid Riders, personal niyang pinupuntahan ang mga taong kanyang tinutulungan. Hanggang dumating ang CoVid-19 pandemic mas lalo pa siyang naging abala sa pagbibigay ng ayuda. Sabi nga ng maraming mmakati residents: “Totoong kahanga-hanga si Romulo “Kid” Peña!”
Happy-happy birthday Congressman Kid!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com