BULABUGIN
ni Jerry Yap
KAHAPON ng umaga, nagulat tayo sa mga natanggap nating messages, photos, at video clips.
Ito ay kaugnay ng mga biktima ng CoVid-19 na nakapila at magkakapatong ang mga kabaong para sa cremation.
Goosebumps talaga!
Hindi natin akalain na aabot sa ganoong sitwasyon ang Region 6 (Panay Island) lalo ang Boracay.
Hindi ba’t ang unang requirements sa pagpasok sa Boracay ay negative result ng RT-PCR? E bakit nagkaroon ng maraming kaso?
Heto pa, isang insidente pa may local tourist na pumasok na negative sa Boracay pero pagdating sa Maynila ay positive na.
Wattafak!
Nakatatakkot ‘yan!
Parang ‘yung nangyari sa India na halos hindi na alam ng mga mamamayan kung saan dadalhin ang mga mahal nila sa buhay na namatay.
Ngayon, ganoon ang nangyayari sa Iloilo, Kalibo, at Boracay.
Ilan sa ating mga impormante sa Boracay, ang nagsabing matagal na palang nangyayari ‘yan. Ang siste, napakamahal ng testing center sa Boracay kaya nakikita na lang namatay, inatake sa puso, hinimatay, hindi na nagising ang biktima.
Kahit masama na raw ang pakiramdam hindi makapag-testing kasi sobrang mahal.
Tourism Secretary Berna Romulo Puyat, hindi ba dapat ay nakikipag-ugnayan kayo sa local government/s hinggil sa kasong ‘yan?
Sana naman ay huwag nninyong i-lockdown lang. Sana ay magkaroon ng mass testing para sa mamamayan.
By the way, puwede naman palang ilibing ang biktima ng CoVid-19, e bakit pa iginigiit na i-cremate?
Hindi ba’t kapag namatay na ang biktima ng CoVid-19, patay na rin ang virus?
Dapat sigurong busisiin ng IATF ang patakaran sa paglilibing o pagsunog ng mga bangkay.
Sa ngayon, stay safe and stay healthy po tayong lahat!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com