Saturday , November 16 2024
Covid-19 Swab test

31 probinsiya no CoVid-19 testing center

MAHIGIT isang taon nang nararanasan sa bansa ang pandemya ngunit natuklasan na 31 probinsiya ang wala pa rin accredited CoVId-19 testing center.

Pahayag ito ng Coalition for People’s Right to Health (CPRH) kaugnay sa isinusulong na kampanyang #DapatLapat o libreng testing at pagpapagamot sa CoVid-19 upang malaman nang tuluyan ang totoong bilang ng kaso at matigil ang tila walang katapusang pagkalat sa pamamagitan ng contact tracing at quarantine.

Noong nakaraang taon, si Vince Dizon ang itinalagang testing czar ng administrasyong Duterte.

Anang CPRH, may 31 probinsiya ang walang accredited na testing center ni isa: 13 sa Luzon (Abra, Apayao, Ifugao, Ilocos Sur, Batanes, Nueva Vizcaya, Quirino, Marinduque, Romblon, CamNor, Catanduanes, Masbate) 7 sa Visayas (Guimaras, Siquijor, Biliran, E. Samar, N. Samar, Samar, S. Leyte), at 11 sa Mindanao (Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Camiguin, Davao Occ, Davao Or, Sarangani, Dinagat Islands, Basilan, Maguindanao, Sulu, Tawi-tawi).

Batay sa datos, karamihan sa kasalukuyang laboratoryo para sa CoVid-19 ay nasa mga siyudad o urban center. 115 dito ay nasa NCR, o 2 sa bawat 5 testing center. Ang nangungunang 11 probinsiya na may pinakamaraming laboratoryo (NCR, Cebu, Davao del Sur, Laguna, Negros Occidental, Iloilo, Batangas, Bulacan, Pampanga, Zamboanga del Sur, at Misamis Oriental) ay bumubuo na sa 70% ng kabuuan na 277 nitong Hulyo 31.

Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit kalahati ng mga laboratoryo ay pribado na mas mahal ang presyo ng CoVid-19 PCR test kaysa pampubliko, lalo nahaharap sa isinagawang DOH DTI Joint Administrative Order noong nakaraang taon, na naglimita sa presyo nito.

Ngunit kapag ikokompara sa pinakamataas na PhilHealth case rate, may posibilidad na magbabayad pa rin ang mga pasyente, maliban kung natanggap ng ‘no-balance billing’ ang pasilidad. Mahalagang tandaan na hindi lahat ng laboratoryo ay nagbabawas ng PhilHealth case rate,” anang CPRH.

Kung sa public anila magpapa-test at gagamitan ng PhilHealth katumbas ng halos isang araw na sahod ng ordinaryong manggagawa o P366.41 ang kailangan ilabas mula sa sariling bulsa.

Habang sa pribadong laboratoryo, maaaring umabot sa triple kung may PhilHealth, o kung hindi man magamit, katumbas ng 10-13 beses mahigit ng average minimum wage.

May ulat na ginagamit ng mga pribadong laboratoryo ang bilang ng oras nang paglalabas ng resulta ng CoVid-19 Rt-PCR test para makapaningil ng mas mataas na presyo.

Halimbawa rito, kapag kailangan ang resulta sa loob ng anim na oras kailangan magbayad ng P7,000, kapag 12 oras ay P6,000 at kapag tatlong oras ay P8,500.

Partikular sa mga nabibiktima ng mga pribadong laboratoryo ay mga pasaherong palabas ng bansa o papunta sa ibang bahagi ng Filipinas.

Batay sa joint administrative order na nilagdaan ng DOH at Department of Trade and Industry (DTI) noong Nobyembre 2020, ang dapat singilin ng private hospitals at laboratories ay mula P4,500 hanggang P5,000 at hindi maaaring tumaas sa P5,000 kahit rush ang resulta.

Habang sa public facilities, puwedeng maningil hanggang P3,800 for a swab test.

Ang naturang mga presyo ay kung hindi gagamitin ang PhilHealth.

        Sinabi ng CPRH, dapat gawan ng paraan ng gobyerno na maging libre o abot-kaya ito kaya marami ang patuloy na natatakot at nag-aalangang magpa-test dahil mas gagamitin na lamang sa pagkain at ibang pang-araw-araw na gastusin ang katumbas na presyo ng RT-PCR.

“Bilang pundasyon ng anomang CoVid-19 response, kinakailangan ng testing na maging malawakan at madaling makamit ng sinomang mangangailangan nito, suspect man o close contact.”

“Oras na gawing libre ang pinakabatayang serbisyo ng CoVid-19 testing sa ating bansa bilang isang karapatan sa kalusugan sa gitna ng lumalalang krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya,” pagtatapos ng CPRH. (ROSARIO NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *