KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas
SA podcast interview ng ABS-CBN newscaster-host kay John Lloyd Cruz, lumalabas na napakalalim n’yang tao at napakababaw ng madla.
At hindi naman daw kasalanan ng ibang tao kung limitado man ang kanilang pang-unawa at hindi siya nauunawaan.
Sagot ng aktor sa tanong kung totoo na nagkaroon siya ng bisyo sa alak at droga: ”Hindi nila kasalanan na ganoon ‘yung pananaw nila about certain struggles. Like, real struggles of a human being, why people resort to substance.”
Inilalabas na lang daw ni John Lloyd sa kabilang tenga kapag nakaririnig siya ng ganoong pahayag tungkol sa kanya.
“Parang you try to… pasok dito, ilabas dito… Kasi hindi naman nila alam, eh.
“And hindi mo naman sila puwedeng i-condemn o sisihin sa isang bagay na limited ang kanilang pang-unawa.”
Pati naman ang mga kadugo at kaibigan niya, nagkakaroon ng hindi magandang impresyon sa kanya.
Pagtatapat n’ya: ”So, it’s unfortunate and sad, pero kasi umaabot siya on the level of kamag-anak, ‘di ba, kaibigan. Na kailangan mong intindihin, unawain, dahil iba-iba kayo ng pananaw sa buhay. Iba-iba kayo ng values and choices…
“And kung ano ‘yung totoo sa ‘yo, maaaring hindi totoo sa kanila. Kung ikaw naniniwala ka sa certain spirits and sila hindi, ganoon talaga, eh.”
Tinanong ng broadcast journalist ang aktor kung anong gusto niyang baguhin sa sarili, na pilit niyang nilalabanan?
Sagot ng aktor, ”Lagi, tuloy-tuloy ‘yan, eh. Unfortunately, you have to contend with your demons for the rest of your life.
“And you have to be good at it, especially when you get old.”
Aasahan ba na isang bagong John Lloyd ngayon ang nagbabalik-showbiz?
Malalim na sagot ng actor, ”Again, nakapaloob pa rin ako sa isang journey. And I don’t really take note of what’s the new you, or what’s new, what’s old, what’s vital.
“I can’t say for sure kung… mahirap, eh. Gusto ko lang siyang mag-unfold on its own. Kung ito na ‘yon, then so be it.
“I think ang mas importante is ‘yung alam mo sino ang gustong makipag-collaborate, sino ba ‘yung gustong makipag-discourse.”