ISANG babaeng menor de edad ang naghain ng kasong panggagahasa laban sa isang city mayor ng lalawigan ng Cavite, kamakailan.
Si Cavite City Mayor Bernardo “Totie” Paredes ay itinuro ng biktima, nagpakilalang pamangking buo ni Mayor Menchie Abalos ng Mandaluyong City.
Base sa kanyang reklamo, nagsimula umano ang panghahalay ni Paredes noong siya ay 14 anyos, taong 2017, nang makulong ang kanyang nanay dahil sa utang.
Upang makalaya, lumapit ang biktima sa Mayor’s Office upang humingi ng tulong kay Paredes para lumaya ang kanyang ina.
Sinabi umano ni Paredes na tutulungan siya nitong makalaya ang ina, pero may hininging kondisyon at ‘yun ay makipag-date sa alkalde.
Pumayag ang menor de edad na biktima dahil sa kagustuhan niyang makalaya ang kanyang ina sa kulungan ngunit laking gulat niya nang biglang idineretso sa isang motel.
Ayon sa biktima, pilit na ipinasubo ni Paredes ang kanyang ari at pilit ipinasok sa kanyang kaselanan na labis na nagdulot ng sakit dahil siya ay donselya.
Dahil sa sobrang sakit, napasigaw ang biktima ng “Huwag po Mayor, maawa kayo sa akin. Virgin pa po ako!” anang menor de edad na biktima.
Muling naulit ang panghahalay paglipas ng ilang buwan dahil patuloy umano siyang tinatakot ni Paredes na ipakukulong muli ang kanyang ina kapag hindi siya pumayag.
Ayon sa biktima, paulit-ulit siyang hinalay ni Paredes dahil sa pananakot sa kanya.
Nakatakdang humarap si Paredes sa Mandaluyong City Prosecutor’s office sa 10 Agosto upang maghain ng kanyang counter-affidavit.
Batay sa RA 7160, ang Child Rape o Child Abuse ay isang non-bailable offense sa ilalim ng Saligang batas.
Samantala, maraming women’s group ang nagpahayag ng suporta sa biktima matapos siyang manawagan ng tulong para sa kanilang proteksiyon dahil sa patuloy na pagbabanta ni Paredes sa buhay nilang mag-ina.
Ayon sa grupo, maraming magulang ng mga menor de edad na sinabing biktima rin ng pangmomolestiya ng alkalde ang nakikipag-ugnayan sa kanila upang magsampa ng kaso laban kay Paredes. (AMOR VIRATA)