Tuesday , April 29 2025

Family ‘lockdown’ hikayat ng Palasyo

ni ROSE NOVENARIO

HINIMOK ng Palasyo ang pagdedeklara ng family lockdown ng pinuno ng pamilya o head of the family upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng kinatatakutang Delta variant ng CoVid-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas makabubuting magbigay ng direktiba ang head of the family sa kanyang kapamilya na huwag lumabas ng bahay kung hindi napakahalaga ng pakay.

Ito aniya ay suhestiyon sa pamahalaan ni Cebu City acting Mayor Michael Rama.

“Kung hindi kinakailangang lumabas ng tahanan, huwag nang lumabas. Alam ninyo, may magandang nasabi sa akin si Acting Mayor Rama ng Cebu City e. The best way po to implement what we want to achieve is for the head of the family to declare family lockdown. Kada pamilya na po, kung hindi kinakailangang lumabas, iyong pinuno ng pamilya – tatay, nanay, lolo, lola at tiyo – mag-order: Walang lalabas unless bibili ng pagkain o gamot. Kung hindi kinakailangan, lahat manatili sa tahanan,” sabi ni Roque sa Palace virtual press briefing.

        Hindi na aniya kailangan dumepende ang bawat pamilya sa idinedeklarang quarantine restrictions ng pamahalaan bagkus ay magkusa ang bawat pamilya na pastolin ang kanilang mga miyembro upang hindi dapuan ng Delta variant.

“Alam po ninyo, huwag na tayong mag-rely pa sa mga ECQ-ECQ – family lockdown ang solusyon po rito. Nananawagan po ako sa lahat, ng hepe ng mga pamilya – hindi ko naman po masabing padre dahil marami tayong mga OFWs na marami rin mga madre de pamilya, mga lolo de pamilya ‘no – family heads, mag-declare na po kayo ng household lockdown. Huwag na ninyong palabasin ang inyong mga mahal sa buhay dahil baka mamatay pa iyan dahil sa Delta variant – by order of the head of the family!”

Kaugnay nito, tiniyak ni Roque, makatatanggap ng isang libong piso o hanggang apat na libong piso kada pamilya ang mga nakatira sa lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Matatanggap ng mga lokal na pamahalaan ang ayuda para sa kanilang constituents bago muling ipatupad ang lockdown simula 6-20 Agosto sa National Capital Region, ayon kay Roque.

“Kaya naman po ang assurance ng ating presidente, hindi talaga tayo magla-lockdown kung walang ayuda. At nakompirma ko ngayong araw na ‘to siguradong-sigurado po ibibigay natin ang ayuda,” aniya.

Ang inihirit aniyang 4 milyon doses ng CoVid-19 vaccines ng Metro Manila mayors ay hindi maipagkakaloob ng national government bagkus ay 2.5 milyon doses lamang ang siguradong maipamamahagi sa kanila.

“Alam ko po, nang huli kong tinanong si Secretary Galvez, ang siguradong sigurado hanggang 2.5 million,” sabi ni Roque.

Patuloy ang pagbabakuna sa Metro Manila kahit lockdown ngunit tanging nagparehistro sa online ang babakunahan at ipagbabawal ang walk-in. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Ramil Ventenilla Michael Mon Rosette Punzal Kenaz Bautista

Isinangkot sa mga kaso ng katiwalian
Mangatarem Mayor, VM, at municipal accountant  inireklamo sa Ombudsman

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso sa Tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, isinusulong ang karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025

Sa paglapit ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, muling iginiit ng TRABAHO …

Malabon City

Kapag hindi nakalusot sa Comelec
Deskalipikasyon vs Sandoval posible

NANGANGANIB na madeskalipika o malagay sa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie …

Isko Moreno Manny Pacquiao

Anak ng Mahirap at Batang Maynila
Manny Pacquiao at Isko Moreno nagsanib-puwersa sa kampanya

BASECO, MAYNILA — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang “Anak ng Mahirap” …

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *