Saturday , November 16 2024

Modernong kulungan, solusyon sa hawaan ng CoVid-19 sa piitan

NAIS ni Deputy Speaker at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na pondohan ang konstruksiyon ng modernong kulungan sa bansa upang solusyonan ang napakasikip na mga bilangguan at pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease-19 (CoVid-19), partikular ang Delta variant.

Sinabi ni Gonzales, beteranong kongresista, mahalagang mapabuti ang kalagayan ng persons deprived of liberty (PDLs) o mga bilanggo sa buong bansa.

“In these trying times, we are hoping that Congress will also shed light on the needs of our fellow Filipinos who have been deprived of liberty. PDLs also deserve humane and safe facilities especially now that we are in a pandemic,” ani Gonzales.

“Last Tuesday, July 27, together with local officials and the Bureau of Jail Management and Penology, we witnessed the inaugural blessing of the first fully automated, modern and state-of-the-art eight-story city jail in Mandaluyong. We hope that more of these facilities will be funded under the next year’s national budget,” dagdag ni Gonzales.

Nagkakahalaga ng P515-milyon ang bagong city jail sa Mandaluyong City na ipinanukala ni dating Mandaluyong City Rep. Queenie Gonzales noong 2018 at itinuloy ng kanyang mister na si Gonzales.

Sinabi niyang espesyal ang bilangguan na idinesenyong energy-efficient, mayroong “sunning area” sa roof deck, basketball court, at state-of-the-art kitchen and laundry facilities.

“We see this facility as the solution to the perennial problem of congestion in our jails in Mandaluyong because the old BJMP building has the capacity of around 170 PDLs but it currently houses over 700 inmates,” ani Gonzales.

Iginiit ng deputy speaker mula sa Lone District ng Mandaluyong City ang kahalagahan na bumuo ng maayos na mga pasilidad upang matulungang mareporma ang mga bilanggo at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, lalong-lalo ang CoVid-19.

Sa ulat ng Human Rights Watch noong 2020, sinabi ni Gonzales na inihayag ng BJMP na 467 kulungan sa buong bansa ang mayroong 534 porsiyentong kapasidad noong Marso ng nasabing taon.

Base sa tala ng Bureau of Corrections (BuCor), sinabi ni Gonzales na umaabot sa 310 porsiyento ang congestion rate ng 125 kulungan sa buong bansa.

“Marapat din nating pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng ating mga kababayang nakapiit sa kulungan, na marami sa kanila ay nagkamali o nagkasala man, dahil sa matinding kahirapan. Ang bagong city jail na ito ay siguradong masosolusyonan ang kadalasang problema ng overcrowding sa city jails, kaya’t madalas ay nagkakahawaan ng mga pigsa at skin diseases at iba-ibang sakit ang mga inmates,” ayon kay Gonzales.

“Ngayon namang panahon ng CoVid-19, huwag naman sana mangyari maghawaan… Ngunit kung mayroon man pangyayaring ganito… ay may sapat na lugar o selda na dahil sa laki ng aming bagong city jail, na maaaring maihiwalay ang mga magpa-positive na inmates, sa kabuuan ng mga nakakulong,” anang kongresista. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *