MA at PA
ni Rommel Placente
NAGSISISI na si Kristoffer Martin sa mga maling nagawa niya sa buhay, kaya nagbabalik-loob siya sa Diyos. Kasabay nito ang pagpalit niya ng relihiyon. Isa na siya ngayong Born-Again Chistian.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Kristoffer ang pag-attend sa isang worship service ng Grace Cornerstone City Church Inc. o Grace Church ng mga born-again Christian.
Sabi ni Kristoffer sa kanyang post, ”Surrendered. Delivered..What I saw from my experiences before, that unconditional love has been there all the time.God uses people as his instrument to let you feel that kind of love. Even if you’re blinded by everything.He’s always there seeing you. Loving you unconditionally.’I was once lost, but now I am found.’ I always hear that.”
Nagtataka lang ako kung bakit kailangan pang mag-born-gain Christian si Kristoffer. Pwede namang manatili siyang Katoliko sa pagbabalik-loob niya sa Panginoon, ‘di ba?