Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hidilyn Diaz Julius Naranjo
Hidilyn Diaz Julius Naranjo

Hidilyn pagbuo naman ng pamilya ang haharapin

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NGAYONG natupad na ni Staff Sergeant Hidilyn Diaz ang pangarap niyang makakuha ng ginto sa 2020 Tokyo Olympics, handa na siyang bumuo ng pamilya. Ito ang matagal na niyang sinabi noon sa mga panayam niya.

Ang boyfriend ni Hidilyn ay ang Guamanian weightlifter, coach, and filmmaker na si Julius Irvin Hikary T. Naranjo, Japanese ang ama at Filipina naman ang ina. 

Nakilala ni Hidilyn ang taong inspirasyon niya at nagpapasaya sa kanya nang lumaban siya sa kompetisyon sa Turkmenistan noong 2017.

Sabi ng dalaga ay naghihintay lang siya kung kailan siya yayayain ng boyfriend niya dahil siya ay matagal ng nakahanda ang sagot niyang ‘oo.’

“’Yun po talaga ang gusto ko after na sana makuha ko, kini-claim ko na makuha ang gold sa Olympics. After that magkakaroon ng baby, mag-settle. Then kailangan ko rin makapagtapos ng pag-aaral,” ito ang sabi noon ni Hidilyn bago siya tumulak pa-Tokyo.

Abot-abot ang pasalamat ng Olympian gold medalist kay Julius dahil malaki ang hirap nito sa kanya sa araw-araw nilang training na walang palya lalo na noong naabutan sila ng lockdown sa Malaysia.

Nabanggit din ni Hidilyn na alam ng boyfriend niya kung ano ang prioridad niya at suportado siya hanggang sa dulo.

Masyado kasi akong focused. Alam niya na ang priority ko ngayon ay weightlifting talaga. So suwerte ako na nandiyan siya, sumusuporta.

“Siya, ginagawa niya nang maayos ang trabaho niya. Ako gusto ko mag-perform ng maayos. So, nagki-click pagdating sa training,” sabi ng dalaga.

Pangako naman ni Julius sa kanyang kasintahan, ”I promise to continue to support you even after Tokyo 2020 if you decide to continue.” 

Ang sweet ah. Pero tama nga si Hidilyn, kailangan na nilang bumuo ng pamilya at little Hidilyn at Julius para ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …