MAS maraming customers sa Batangas, Bohol, Bukidnon, Davao del Sur, Davao del Norte, at pitong iba pang mga lalawigan ang magkakaroon ng mas mahusay na access sa 4G LTE network ng Globe kasunod ng pagkompleto ng kompanya sa modernisasyon ng kanilang cell sites sa nakaraang anim na buwan.
Mula sa lumang 3G network, nakapag-upgrade sa 4G LTE ang Globe nang hindi bababa sa 507 sites sa buong probinsiya ng Batangas. Nailipat din sa bagong pamantayan ng mobile data ang 488 sites sa Metro Manila at 450 sites sa Cebu.
“Ang mga pagpapabuti sa network ay magdadala ng mas mahusay na serbisyo sa data, SMS, at pagtawag sa aming mga customer lalo (na) sa mga lugar na higit na nangangailangan ng connectivity. Gaya ng ipinangako natin sa simula ng taon, gusto namin gawing mas malaganap ang 4G LTE hindi lamang sa Luzon kundi sa mas maraming lugar sa Bisaya at Mindanao,” pahayag ni Joel Agustin, Globe SVP para sa Program Delivery, Network Technical Group.
Sa Mindanao, 366 sites sa Davao del Sur ang pinalakas ngayon ng 4G LTE at 126 sites sa Davao del Norte. Sa Bukidnon, 79 sites ang inilipat sa 4G LTE.
Sa Bohol, 85 lokasyon ang handa na sa 4G LTE. Nag-upgrade din ang Globe ng 111 sites sa Cagayan; 88 sa Rizal; 195 sa Cavite; 328 sa Laguna, at 358 sa Pampanga.
Ang walang tigil na pagsisikap ng Globe na mapagbuti ang estado ng pagkakakonekta ng bansa ay nagresulta sa pagiging pinaka-consistent na mobile network nito sa dalawang magkasunod na quarters ng 2021, na pinatunayan ng Ookla®.
Nanatiling nangunguna ang telco sa mobile consistency sa buong bansa kompara sa kompetisyon. Ang Consistency Score ng Globe sa Q1 2021 ay 70.43 at sa Q2 2021 ay 75.98.[1]
Mahigpit na sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga papel na ginagampanan ng impraestruktura at pagbabago bilang mga kritikal na driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at mag-aambag sa 10 UN SDGs.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.