Friday , May 16 2025
Ping Medina
Ping Medina

Ping namamalimos ng pambayad sa condo

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MARAMI sa showbiz ang naghihikahos at nangangailangan ng pagkakakitaan sa panahon ng pandemya.

Balita ng katoto sa panulat na si Gorgy Rula ng PEP Troika na ilang kaibigan sa showbiz ang naka-chat n’ya at napag-usapan nila ang indie actor na si Ping Medina, na  namamalimos sa Instagram niya para mabayaran ang kanyang renta sa condo pagpasok ng buwan ng Agosto.

Nabanggit ni Ping ang pinasok niyang online sabong na ang dami na rin palang naloko. May ilang nasirang pagkakaibigan dahil sa natatakbuhang pera gawa nitong online sabong.

Panawagan ng katotong Gorgy, dahil sa Instagram post ni Ping, sana’y maawa sa kanya ang ilang TV executives at kunin siyang maging regular sa isang drama series.

Sa mga artista, itong regular show sa TV na lang ang puwede nilang asahan para mabuhay nang medyo maginhawa sa panahon ng pandemya. Ang karamihan, umaasa na lang sa kanilang YouTube channel, pero iba rin talaga ‘pag may regular TV show online sila.

About Danny Vibas

Check Also

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Jan Evan Gaupo

Model Jan Evan Gaupo sasabak sa King Of The World 2026 

MATABILni John Fontanilla WAGI sa katatapos na Christian Duff Calendar Model Season 5 ang modelong …

Kristel Fulgar Ha Su-hyuk

Kristel Fulgar ikinasal na sa Korean boyfriend 

MATABILni John Fontanilla IKINASAL na ang Actress at social media star Kristel Fulgar sa kanyang …

Comelec Elections

Mga artistang hindi pinalad 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMING mga talunan sa mga taga-showbiz. Nandiyan sina Ara Mina, Ejay …

Sam Verzosa Dan Fernandez Ejay Falcon Bong Revilla Manny Pacquiao Willie Revillame Phillip Salvador Vico Sotto

SV, Dan, Ejay pagkatalo maagang tinanggap; Bong, Manny, Willie, Ipe olats; Vico pinakain ng alikabok ang kalaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GUSTO rin namin ang ginawang pag-concede nina Sam Verzosa, Dan Fernandez, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *