Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shabu sa parking lot ng supermarket galing Bilibid (Sa SJDM, Bulacan)

PINANINIWALAANG galing sa National Bilibid Prison (NBP) ang nakompiskang shabu mula sa dalawang drug peddlers na nadakip sa isang parking lot sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 25 Hulyo.

Sa magkatuwang na buy bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng PDEA DEG SOU-4B at San Jose Del Monte City Police Station (CPS), naaresto sa parking lot ng isang supermarket sa Gaya-Gaya Road, Brgy. Muzon, sa naturang lungsod, sina Marlon Abarca, alyas Jay, 31 anyos, residente sa Unit 2, Pagri Hills, Brgy. Mayamot; at Ron Mark Reyes, 36 anyos, technician, residente sa Brgy. Cupang, pawang sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.

Binentahan ng mga suspek ng isang pirasong nakataling supot na plastik na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ng buy bust money ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer. 

Nakompiska mula kina Abarca at Reyes ang tinatayang 10 gramo ng shabu na may kabuuang halagang P680,000, mga baril at mga bala, cellphone, isang itim na Toyota Vios, at buy bust money.

Sa ulat mula kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, lumilitaw sa imbestiagsyon na ang dalawang suspek ay konektado sa isang Jay Leon na kasalukuyang nakakulong sa Bilibid.

Napag-alamang kahit nakakulong si alyas Jay Leon ay patuloy niyang napatatakbo ang illegal drug operations sa pamamagitan ni Abraca na isang convicted drug peddler ngunit pansamantalang nakalaya dahil sa ‘plea bargaining.’

Nasa kustodiya ng PNP DEG, SOU-4B ang dalawang suspek na nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung paanong nakapagpuslit ng ilegal na droga ang grupo ni Jay Leon sa Bilibid. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …