Saturday , November 16 2024
Taxi nabagsakan ng Pine tree (1 patay, 2 sugatan sa Baguio)
Taxi nabagsakan ng Pine tree (1 patay, 2 sugatan sa Baguio)

Taxi nabagsakan ng Pine tree (1 patay, 2 sugatan sa Baguio)

BINAWIAN ng buhay ang isang call center agent, habang sugatan ang dalawa niyang kaanak, nang mabagsakan ng Pine tree ang sinasakyan nilang taxi sa Camp 8, Kennon Road, sa lungsod ng Baguio, nitong Biyernes, 23 Hulyo.

Kinilala ni Baguio City Police Office director P/Col. Glen Lonogan, ang namatay na biktimang si Esmerelda Suriaga, 39 anyos; at sugatan niyang mga kaanak na sina Samuel Suriaga, 29 anyos, at Wilfredo Suriaga, 63 anyos.

Idineklarang dead on arrival si Esmerelda sa Baguio General Hospital and Medical Center, samantala nagpa­pagaling pa si Samuel sa paga­mutan, habang nakalabas na si Wilfredo.

Ani Lonogan, hindi nasugatan ang taxi driver na kinilalang si Mizon Arucan Galano, 33 anyos.

Ayon sa pulisya, sakay ang mga biktima ng taksing Mitsubishi Adventure, may trade name na Ar-Anne at plakang AYU-713 patungong city proper mula sa Camp 7 dakong 3:15 pm noong Biyernes nang mabagsakan ng puno.

Nakaupo si Samuel sa tabi ng driver habang magkasama sa likod sina Wilfredo at Esmeral­da. (KLGO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *