Sunday , December 22 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

PDITY strategy paigtingin vs Delta variant — Gov. Fernando (Direktiba sa PTF)

WALA pang naiuulat na kaso ng CoVid-19 Delta variant sa lalawigan ng Bulacan, pero ipinag-utos ni Gobernador Daniel Fernando sa Provincial Task Force (PTF) on CoVid-19 na paigtingin ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy sa ginanap na 12th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters of the PTF sa pamamagitan ng aplikasyong Zoo, nitong Biyernes, 23 Hulyo.

“Tinatalakay natin ngayon ang ating paghahanda sa Delta variant na kailangan po ay maging overacting tayo. Kasi kailangan natin magbantay dahil mas maganda na ang maagap kaysa masipag. Hindi na dapat pagtagalin pa. Nandiyan na, bantayan na natin nang todo,” anang gobernador.

Naniniwala si Fernando na maganda ang laban ng lalawigan sa pagtugon sa CoVid-19, at nais niyang palakasin ang ipinatutupad na mga estratehiya dahil ayon sa mga pag-aaral, ang Delta variant ang pinakanakahahawang variant ng SARS-COV2 sa kasalukuyan.

“Kung pagbabatayan ang datos sa ibang lalawigan, I am convinced that we are doing a great job here in the province. Nananatiling pinakamababa ang ating lalawigan pagdating sa active cases. Pagiging maagap ang kailangang pairalin natin dito bukod sa pag-iingat natin. Pairalin natin ang paghihigpit sa minimum standard protocols,” dagdag ng gobernador.

Sa ulat ni PTF Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis, dapat nakapokus ang estratehiya ng lalawigan sa pagsiguro na nakahanda ang healthcare system kahit ano ang klasipikasyon ng community quarantine upang mapaghandaan ang posibleng pagtaas ng kaso.

Iminungkahi rin niya ang pagpapatupad ng accordion policy para paghandaan ang pagrami ng kaso sa mga ospital, ang conversion and reconversion principle na tutukoy kung dapat palitan ng isang ospital ang regular na hospital bed at gawing ICU bed upang matulungan ang pangangasiwa sa mga kaso at magligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagsiguro na mayroong sapat na higaan para sa mga may kritikal at malalang kaso.

Sang-ayon din sina Gob. Fernando at Dr. Celis sa pagbibigay ng prayoridad sa pagpapabilis sa vaccination rollout lalo sa senior citizens at mga taong mayroon nang binabantayang kondisyon dahil kung mananatili silang hindi bakunado, patuloy silang malalapit sa peligro ng malalang CoVid-19 o pagkaka-ospital. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *