Saturday , November 16 2024
dead gun police

May-ari ng ospital patay sa pamamaril (Sa North Cotabato)

BINAWIAN ng buhay ang isang retiradong doktor mata­pos barilin ng hindi kilalang mga suspek habang naglalakad malapit sa kanyang bahay sa bayan ng Pikit, lalawigan ng North Cotabato, nitong Biyernes, 23 Hulyo.

Kinilala ni P/Maj. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit MPS, ang biktimang si Dr. Robert Cadulong, may-ari ng Cadulong Medical Hospital sa Brgy. Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Sa paunang imbestigasyon, nabatid na naglalakad si Cadulong dakong 5:00 am malapit sa kanyang tahanan nang malapitang pagbabarilin ng magkaangkas sa motorsiklong mga suspek gamit ang isang kalibre .45 pistola.

Ani Pangandigan, idi­neklarang dead on arrival ang biktima sa pagamutan dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, nakasuot ang mga suspek ng itim na face masks, itim na jacket, at helmet, tumakas patungo direksiyon ng Pagalungan, Maguindanao.

Dating nagsilbi si Cadulong bilang municipal health officer ng mga bayan ng Pagalungan at Datu Montawal, sa lalawigan ng Maguindanao. (KLGO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *