Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Insentibo at Korupsiyon

PANGIL
ni Tracy Cabrera

AN incentive is a bullet, a key: an often tiny object with astonishing power to change a situation

— American economist Steven Levitt

PASAKALYE:

Text message…

Mga idol. Kung magkatotoo itong pagbibigay insentibo sa masunuring paggamit ng face shield, e hindi sa pagyayabang, isa na ako rito. Ako, hindi palalabas ng bahay kung hindi lang mahalaga. Umaga hanggang hapon nakadungaw lang ako sa bintana, nag-aantay ng ayuda at nakasuot pa ng facemask. Ibang kapitbahay ko natatawa sa akin. At kapag lumabas ako, may mahalagang lakad. Doble ang face mask ko at naka-shield pa. Tanong ko, paano nila malalaman ang mga katulad kong masunurin? May maglilibot ba para maghanap ng masunurin? Sana madaanan din nila ako dito sa Tondo. Walang biro ang sinasabi ko. Hindi ako mahilig sa joke. At kaya hindi na rin ako nakikihalubilo sa mga barkada ko ay dahil hindi ko naman naiintindahan ang pinag-uusapan o topic nila dahil mahina na pandinig ko. Nakakarinig lang ako kung sa telepono o cellphone ang kausap ko kasi nakadikit sa tainga ko ang CP ko.

REAKSIYON:

Tulad mo’y masunurin ako… Pero hindi ko na kailangan ng pabuya dahil ang pagbibigay proteksiyon ko sa aking sarili laban sa CoVid-19 ay nararapat ko lang gawin dahil buhay ko ang nakasalalay dito.

Text message…

Ang Tulfo brothers ay mga batang Duterte ang mga ‘yan. Pero kapag may palpak sa kampo ni PIM inuupakan nila. Tulad ni Raffy, inupakan sina Duqwe at FDA Domingo sa maraming katarantadohan nila. Pilit na pinagri-resign ni Raffy. At ibinulgar ang katiwalian nila, panloloko sa mamamayan sa panahon ng pandemya. Mga gamot at katiwalian sa DOH, Philhealth at FDA. Grabe pala talaga. Sa India, napakamura ng mga gamot pero rito napakamahal. Inupakan ni Raffy ang dalawang tiwaling alagad ni PIM. Pero bakit galit naman mga Tulfo kay Pacman nang sabhiin niyang corrupt ang mga ahensiya. E ‘di naman si PIM ang inaakusahan ni Pacman. Dapat sanib-puwersa sina Raffy at Pacman sa pag-upak sa dalawang corrupt. E magagalit si PIM kay Raffy dahil hinagupit niya nang todo sina Duqwe at Domingo. Ano ba talaga kayo? Kanino ba talaga kayo? Sa tama o sa kampi? Ang gulo ninyo!

REAKSIYON:

Kapag nasa tama at katotohanan ang isang totoo, hindi magulo…

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …