Friday , November 22 2024

1.5-M doses ng bakuna inihatid mula China (13-M doses inilipad ng Cebu Pac mula Abril 2021)

LIGTAS na naihatid ng Cebu Pacific ang bagong batch ng 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccines na binili ng pamahalaan nitong Huwebes, 22 Hulyo, sakay ng flight 5J 671 mula sa Beijing, China.

“We are grateful to Cebu Pacific and other carriers for their continuous support in the safe delivery of these vaccines. With this steady supply coming in, we can truly accelerate our vaccination program,” pahayag ni Sec. Carlito Galvez, Jr., chief implementer ng National Task Force Against CoVid-19.

Ang mga dumating na bakuna ay inilagak sa temperature-controlled refrigerated containers, at masusing ininspeksiyon ng mga awtoridad bago ilipat sa mga cold storage vans at mga pasilidad.

MAKIKITA (mula kaliwa) sina Dr. Ariel Valencia, Department of Health Director ; USec Carol Taino, Department of Health (DOH); Dr. Francisco Duque III, Health Secretary; Sec. Carlito Galvez, Jr., Chief Implementer, NTF against CoVid-19.

“We are keen in supporting the government’s health and safety initiatives. We are glad to keep on transporting essential cargo and CoVid vaccines to the country and provinces within the airline’s reach,” ani Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.  

Sa loob ng isang linggo, nakapaghatid din ang Cebu Pacific ng 640,000 vaccine doses ng Sinovac, AstraZeneca, Gamaleya Sputnik V, at Johnson & Johnson sa ilang mga lalawigan sa bansa mula sa Maynila.

Sa kasalukuyan, nailipad ng Cebu Pacific ang higit sa 13 milyong CoVid-19 vaccine doses mula China patungong Maynila, at 3.8 milyong doses sa 21 lalawigan.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA LORENA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *