TATANGGAP ang mga graduating grade 12 students mula sa public high schools sa lungsod ng Taguig ng P15,000 cash incentives para magamit sa pagpasok nila sa kolehiyo o unibersidad ngayong panahon ng pandemya.
Inilaan sa students achievers mula sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship program, ang voucher certificate na mayroong halagang P15,000 sa isang kondisyon na mag-enrol sila ng kahit anong tech-vocational, certificates o kaya baccalaureate course.
“This voucher is a part of the LANI Scholarship Program that persuades graduates to take up tertiary education. To our beloved students, we have faced so much this year, let us you get inspiration from this graduation. We will not abandon you. We are a loving and nurturing community, we are one family,” ayon sa mensahe na ipinadala ni Mayor Lino Cayetano para sa graduating batch students
Lahat ng Top 1 graduating students na nagmula sa grade 6, 10 at 12 ay nakatanggap ng cash incentives na P15k, ang Top 2 ay P12,500 sa Top 3-10 elementary students ay binigyan din ng P5,000. Ang completers at senior high students ay nakatanggap ng P7,500.
Naniniwala ang Taguig City government sa kahalagahan ng edukasyon kaya’t ipagpapatuloy niya ang karapat dapat na gantimpala sa mga mag-aaral na Taguigeño. (JAJA GARCIA)