Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mavy Legaspi Carmina Villaroel
Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Carmina nag-iiyak, Mavy ‘di mapakawalan

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

PAG-PACK -UP ng cast ng Lolong na kinuwarantin sa EDSA Shangri-la Plaza ng sampung araw, bago tumungo sa Villa Escudero, palit naman ang cast ng I Left My Heart in Sorsogon sa nasabing hotel.

Ibang klase ang pag-aalaga ng Kapuso sa kanilang mga artista. Service de luxe, ‘ika nga.

Sisimulan na ang taping ng pagbibidahang serye ni Ruru Madrid, ang  Lolong. At mukhang nakapagsanay na sa mga routine nila ng buwayang si Dakila.

Masaya ang mga makakasama ni Ruru sa taping, mula sa aktor na si Christopher “Boyet” de Leon  hanggang kina Abby Viduya, Jean Garcia, Maui Taylor, Leandro Baldemor at marami pa.

Sa I Left My Heart na kinabibilangan naman ng gaganap na tatay ni Heart Evangelista sa serye na si Rey “PJ” Abellana, ilang araw ding mananatili sa EDSA Shangri-la Hotel sina Richard Yap, Sharmaine Buencamino, Mavy Legaspi, Aubrey Miles, Isay Alvarez at marami pa.

Si Boyet (ng Lolong) eh may magandang kuwento, ayon sa manager na si Lolit Solis. Nagtanong daw ito kung pwede siyang magkaroon ng plus one. Sinagot ito ng taga-production na hindi naman niya kailangan ng taga-buhat ng  mga gamit niya dahil hindi naman siya magpa-fashion show at mahirap ang role niya. 

Natawa na lang si Lolit!

Si Mavy naman ng Sorsogon eh, halos hindi mapakawalan ng inang si Carmina Villaroel at iyak nang iyak dahil first time nga itong mawawalay ng matagal-tagal na panahon. 

Siguradong marami pang kuwentong maibabahagi ang mga miyembro ng dalawa pa sa mga sinimulang mga proyekto ng Kapuso.

Mukhang marami pang aabangan.

With  Pokwang in the network now, malamang na magsama sila ng Comedy Box Office Queen na si Ai Ai delas Alas in a project. At bakit naman hindi na rin isama si Eugene Domingo sa dalawa? 

Siguradong riot ang kalalabasan. Eh, kung si Mr. M (Johnny Manahan) pa ang magdirehe halimbawa ng isang comedy show nila? Pwede!

Ang daming shows. Ang daming sumasakabilang-bakod. At parang may paglalagyan naman sa lahat.

Tingnan natin!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …